Gobyerno, iniklian ang quarantine, isolation period para sa aviation personnel
- Published on January 17, 2022
- by @peoplesbalita
INIKLIAN na ng gobyerno ang isolation at quarantine period para sa aviation personnel na nahawaan ng COVID-19 at exposed sa COVID-19 case.
Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ito ang nakasaad sa ilalim ng Inter-Agency Task Force Resolution 157 na nagsasabing ang aviation personnel na may mild case ng COVID-19 o asymptomatic ay required na mag- isolate ng limang araw, “provided” na sila ay fully vaccinated at nakatanggap ng booster shot laban sa COVID-19.
Sa kabilang dako, ang aviation personnel na na- exposed sa COVID-19 case subalit hindi nagpakita ng COVID-19 symptoms ay hindi na kailangan na sumailalim sa quarantine, kailangan lamang na sila’y fully vaccinated at nakatanggap ng booster shot laban sa COVID-19.
Gayundin, ang mga asymptomatic close contacts ng mga naka- recover mula sa COVID-19 sa loob ng nakalipas na 90 araw ay Hindi na kailangan na sumailalim sa quarantine.
Ang quarantine at isolation period para sa mga miyembro ng general population fully vaccinated laban sa COVID-19 at na- exposed sa COVID-19 case o infected ng COVID-19 range ay mula pito hanggang 10 araw.
Gayundin, sinabi ni Nograles na ang Transportation Department at attached agencies nito ay ia- identify ang nararapat na accountable group na gagawa ng desisyon ukol da pagpapaikli ng isolation o quarantine base sa ebidensiya, kahalintulad sa Hospital Infection Prevention and Control body.
“Such a body deliberates, monitors, and acts on all infection-related concerns involving infectious disease specialists, safety officers, and the management of a health facility,” ani Nograles.
Gayundin, ni-require naman ng IATF ang lahat ng aircraft na maging ” appropriately ventilated” at ang aviation staff na magsuot ng tama at akmang personal protective equipment sa lahat ng pagkakataon.
“DOTr will monitor and evaluate the implementation of the [protocols for the] aviation industry, and copy-furnish reports to the DOH Epidemiology Bureau for assessment of COVID-19 cases, clusters, vaccination status, and the like,” ang nakasaad sa IATF Resolution.
Panghuli, mananatili naman ang kapangyarihan ng IATF “to revoke/modify the privilege provided to the aviation industry for shortened quarantine and isolation.” (Daris Jose)
-
PDU30, tinintahan ang 4 na batas na naglalayong magtatag, mag-upgrade ng mga ospital
NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang apat na batas na ngalalayong magtatag at i-upgrade ang mga lokal na ospital sa bansa. Ang newly-signed measures ay Republic Act No. (RA) 11702, magtatatag sa Southern Luzon Multi-Specialty Medical Center sa Tayabas City; RA 11703 magtatatag sa Samar Island Medical Center sa Calbayog City; at […]
-
Pera na kikitain mula sa E-sabong, kailangan – PDu30
KAILANGAN ng gobyerno ang perang kikitain mula sa online cockfighting operations. Sa naging talumpati ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa groundbreaking ceremony para sa OFW Center sa Daang Hari, Las Piñas City, sinabi ng Pangulo na pinayagan niya na magpatuloy ang e-sabong dahil naubos at nasaid na ang ibang pondo dahil sa pandemiya. […]
-
Tokyo Olympics organizers, handang i-refund ang mga tickets
NAG-ALOK ng refund ang organizers ng Tokyo Olympics sa mga nakabili na ng tickets sa Japan. Ito ay dahil sa nililimitahan na lamang ang mga manonood sa bawat events dahil sa banta pa rin ng COVID-19. Ayon sa Tokyo organizing committee na maaaring mag-refund ang mga taga-Japan na nakabili ng tickets mula Nobyembre […]