MMDA chair Abalos, walang nakikitang pangangailangan na muling magpataw ng bagong curfew hour sa NCR
- Published on January 17, 2022
- by @peoplesbalita
SINABI ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na hindi kailangan na muling magpataw ng curfew sa National Capital Region (NCR) dahil ang mga residente ngayon ng rehiyon ay marunong “mag-self regulate” sa gitna ng surge sa COVID-19 cases.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Abalos na alas-8 pa lamang ng gabi ay halos sarado na ang mga restaurants sa mga mall at halos kaunti na lamang ang mga tao sa kalye.
“Noong kami ay nag-usap noong nakaraan, nakita namin sa larawan na halos siguro alas otso ng gabi, halos sarado na ang mga restaurants sa mall, ang mga tao ay halos kakaunti na rin ang mga nasa kalye ‘no. Tandaan po natin, ang purpose po ulit ng alert level is to control mobility,” anito.
“Natuto na tayo . On their own, ang ating mga kababayan ay natuto nang hindi lumabas dahil nakakahawa ito,” dagdag na pahayag nito.
Aniya pa, “as early as 5 p.m.,” wala ng gaanong tao sa mga malls at sa mga pangunahing lansangan.
Gayunpaman, ang 10 p.m. hanggang 4 a.m. curfew sa mga kabataan na may edad na 17 taong gulang pababa ay mananatili sa NCR.
Samantala, hindi rin aniya kailangan na itaas sa Alert Level 4 ang Kalakhang Maynila dahil sa naging pagbabago sa pag-uugali ng mga residente sa rehiyon.
Inanunsyo naman ng pamahalaan na manatili sa Alert Level 3 ang NCR hanggang sa katapusan ng Enero.
Sa ilalim ng Alert Level 3, ang ilang establisimyento ay papayagan na mag-operate ng 30% indoor venue capacity subalit “exclusively” para sa mga fully vaccinated na tao , at 50% outdoor venue capacity hangga’t ang mga empleyado ay fully vaccinated.
Ang In-person classes, contact sports, funfairs/perya, at casinos ay kabilang naman sa mga establisimyento na pinagbabawal sa ilalim ng Alert Level 3.
Samantala, sa ilalim ng Alert Level 4, ang mga establisimyento ay pinapayagan na mag-operate sa 10% indoor capacity “strictly” para sa fully vaccinated individuals lamang at 30% outdoor capacity.
Ang mga sinehan, contact sports, face-to-face classes, amusement parks, casinos ay ipinagbabawal.
Nabanggit na rin minsan ni Abalos na “once the alert level in NCR is downgraded to 1 or 2, the prohibitions for the unvaccinated will be automatically lifted.”
Nauna rito, hiniling ng MMDA sa mga unvaccinated residents sa Metro Manila na manatili sa kanilang bahay maliban lamang kung may bibilhin at accessing essential goods at services habang ang NCR ay nasa ilalim ng Alert Level 3. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Pagbebenta ng bakuna laban sa Covid-19 at slot, bawal-Malakanyang
IPINAGBABAWAL ng pamahalaan ang pagbebenta ng bakuna at slot. Napaulat kasi na hindi lalagpas sa P15,000 pesos ang ibinebentang bakuna, depende sa brand at pag-aalok ng slots sa COVID-19 vaccination program. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, pupuwedeng makulong at makasuhan ang isang indibidwal na sangkot sa ganitong ilegal na gawain. “Well, […]
-
Ads July 24, 2023
-
4 tulak nalambat sa Navotas drug bust, P450K shabu nasamsam
SHOOT sa selda ang apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas City. Sa ulat ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa […]