• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA naniniwalang hindi kailangang ipatupad ang curfew sa NCR

NANINIWALA si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na hindi na kailangang ipatupad ang curfew sa National Capital Region (NCR).

 

 

Sinabi ni Abalos na ito ay dahil sa ang mga residente naman ng Metro Manila ay “self-regulating” sa gitna ng surge ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

 

 

Paliwanag niya, dahil sa pagpapatupad noon ng curfew sa kasagsagan ng hard lockdwon sa NCR ay natuto na raw ang mga taong hindi na lumabas dahil ang naturang virus ay nakakahawa.

 

 

Dagdag ng MMDA chair, pagdating naman daw ng alas-5:00 ng hapon ay halos sarado na rin ang mga malls at pangunahing kalsada sa Metro Manila kaya hindi na kailangan ang curfew.

 

 

Pero una nang nagpatupad ang mga local government units (LGUs) sa Metro Manila ng curfew sa mga menor de edad na 17-anyos pababa sa NCR at mananatili ito hanggang sa ngayon.

 

 

Samantala, naniniwala si Abalos na hindi na kailangang itaas sa Metro Manila ang Alert Level 4 dahil na rin sa nakikitang galaw ngayon ng mga taga-NCR.

 

 

Kung maalala hanggang sa katapusan ng buwan ng Enero ay mananatili sa Alert Level 3 ang NCR.

 

 

Sa ilalim ng Alert Level 3, ilang establishments ay papayang mag-operate ng hanggang 30 percent indoor venue capacity pero ito ay para lamang sa mga fully vaccinated at 50% outdoor venue capacity kapag lahat ng mga empleyado ay fully vaccinated.

 

 

Ang in-person classes, contact sports, funfairs/peryaa at casinos ay ang mga aktibidad at establisimiyento namang hindi papayagan sa kasalukuyang alert level.

 

 

Sa sandali naman umanong ibaba sa Alert Level 2 o 1 ang NCR ay otomatiko na ring tatanggalin ang pagbabawal sa paglabas ng mga unvaccinated.

Other News
  • Nakaambang taas singil sa tubig posibleng maramdaman na sa pagpasok ng 2023

    BAD NEWS para sa ating mga kababayan ngayong pagpasok ng bagong taon dahil may nakaambang na taas singil sa tubig sa unang buwan ng 2023.       Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty, na ang naturang taas singil ng Maynilad at Manila Water ay para sa pagpapaigting ng kanilang serbisyo tulad ng pagme-maintain […]

  • Aabangan naman kung kailan magaganap ang kasal: RIA at ZANJOE, kinumpirma na rin na engaged na sila

    KINUMPIRMA na nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo kahapon, ika-20 ng Pebrero na engaged na sila.     Sa pamamagitan ng kanilang Instagram posts, in-announce ng dalawa ang kanilang engagement, kalakip ang mga larawan, kasama ang bonggang engagement ring ni Ria.     “Forever sounds good,” caption ni Ria, na may white heart at ring […]

  • NAKATANGGAP ng maagang pamasko mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas

    NAKATANGGAP ng maagang pamasko mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas, sa pangunguna ng Public Employment Service Office, katuwang ang Department of Labor and Employment – National Capital Region at ang Navotas Tripartite Industrial Peace Council ang 75 na profiled child laborers sa lungsod sa pamamagitan ng Project Angel Tree. Ani Mayor John Rey Tiangco, nag-uwi […]