• January 6, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

House-to-house jabs para sa mga seniors, mga may comorbidities, itinutulak

MULING nanawagan ang Malakanyang sa local government units (LGUs) na ikunsidera ang house-to-house vaccination drives upang mabakunahan laban sa Covid-19 ang mas maraming senior citizens at mga taong may comorbidities.

 

 

Sinabi ni actng Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, na ang pagbibigay ng vaccination services sa bahay ay mas makapagbibigay ng “convenience’ o kaginhawaan para sa mga naturang priority groups, lalo na iyong nahihirapang bumiyahe papuntang vaccination sites.

 

 

“Yung house-to-house campaign will be very effective para ‘yung sa accessibility at meron din po tayong mga kababayan na talagang nahihirapan sila lumabas, nahihirapan pumunta sa vaccination sites,” ayon kay Nograles.

 

 

Kinilala naman ni Nograles na may ilang LGUs ang nagsasagawa na ng house-to-house vaccination drives kung saan ang mga LGUs sa labas ng Kalkhang Maynila at kalapit-lalawigan ay maaari rin itong gawin.

 

 

“Yung hindi makakapagbiyahe. Kailangan reach out nalang tayo sa kanila,” ayon kay Nograles.

 

 

Binigyang diin nito ang pangangailangan para sa kooperasyon sa pagitan ng national at local governments at maging ng general public para makamit ang vaccination goals ng bansa.

 

 

Samantala, todo-depensa naman si Nograles ukol sa naging direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga barangay chairman na higpitan ang galawa ng mga indibiduwal na hindi pa bakunado laban sa Covid-19.

 

 

Ang naging direktiba ni Pangulong Duterte ay bunsod na rin ng pagtaas ng kaso ng Covid-19.

 

 

Tinukoy ang mga health experts, ang mga unvaccinated individuals na nahawaan ng Covid-19 ay may mataas na “risk of complications,” gaya ng hospitalizations at pagkamatay mula sa virus, kumpara sa mga bakunado.

 

 

“It’s really for the protection of those unvaccinated,” ani Nograles.

 

 

Sa kasalukuyan, pumalo na sa 54 milyong Filipino ang fully vaccinated laban sa Covid-19.

 

 

Layon ng Pilipinas na maabot ang layunin nito na mabakunahan at gawing fully vaccinated ang 90 milyong Filipino bago matapos ang buwan ng Hunyo. (Daris Jose)

Other News
  • Senador itinulak ‘libreng matrikula’ ng mga gusto mag-abogado

    UPANG maitaguyod ang access sa quality legal education, inihain ni Sen. Raffy Tulfo ang Senate Bill 1610 na layong magbigay ng libreng tuition at other school fees sa mga “deserving law students” na nag-aaral sa state universities and colleges (SUCs).     Kasalukuyang libre ang matrikula atbp. bayarin sa mga SUCs sa ilalim ng Republic […]

  • OLYMPICS HOSTING, TABLADO NA SA MGA HAPONES

    MATAPOS ang patuloy na paglaganap sa iba’t ibang panig ng bansa sa mundo ng kinatatakutang corona virus, naging hati ang reaksyon ng mga residente sa Japan kaugnay sa hosting ng kanilang bansa para sa 2020 Tokyo Olympics.   Ayon sa ulat, patuloy sa pag-ani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga mamamayan ng Japan ang […]

  • Djokovic umatras na sa pagsabak sa Indian Wells at Miami Open

    UMATRAS na sa paglalaro sa Indian Wells at Miami Open si Serbian tennis star Novak Djokovic.     Ito ay dahil sa paghihigpit na US sa panuntunan laban sa COVID-19.     Nakasaad kasi sa panuntunan ng nasabing torneo na dapat ipakita ng mga manlalaro ang kanilang katibayan na sila ay naturukan na ng COVID-19 […]