• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Manila Zoo gagamiting bakunahan sa mga bata, seniors

HABANG  hindi pa ­ganap na binubuksan para sa publiko, gagamitin muna bilang ‘vaccination site’ para sa mga senior citizen at batang may edad 5-11 taong gulang sa pag-uumpisa ng bakunahan sa natu­rang age group sa unang linggo ng Pebrero.

 

 

Sinabi ni Manila City Mayor Isko Moreno na pinaka-ideal na lugar ang Manila Zoo na vaccination site dahil sa marami itong ‘open spaces’. Matapos na mabakunahan, maaa­ring mamasyal ang mga lolo at lola at kanilang apo sa zoo.

 

 

“So we thought, dahil sa nagre-request na mga tao sa Manila Zoo, at least magkaroon sila ng sneak peek. At marami naman na ang mapapasyalan dito – open air, maaliwalas. Double purpose pa, maipapasyal nila ang kanilang apo o ‘yung mga lolo at lola,” saad ni Moreno.

 

 

Samantala, maaari ring magpabakuna ang mga kabataang nasa edad 12-17 taong gulang sa Manila Zoo at makapamasyal na rin pagkatapos. Bubuksan ito ni Moreno sa mga residente at maging sa hindi residente ng Maynila.

 

 

Para matiyak na matutupad ang ‘physical distancing’ at iba pang ‘health protocols’, lilimitahan lamang sa 500 hanggang 1,000 indibidwal ang babakunahan sa Manila Zoo kada araw. (Gene Adsuara)

Other News
  • Comelec maglulunsad ng task force vs vote buying; pa-raffle, donasyon bawal din

    ILULUNSAD ng Commission on Elections (Comelec) ng Task Force Kontra-Bigay upang maiwasan ang vote-buying ngayong panahon ng kampanya.     Ipinahayag ito ni Comelec Commissioner George Garcia kasabay ng kanyang pagbibigay babala sa lahat ng mga tumatakbong kandidato hinggil sa pagpapa-raffle ng mga ito sa kanilang mga pangangampanya lalo ngayong nagsimula na ang 45-day campaign […]

  • Dating import ng Aces at Beermen Galen Young patay sa aksidente

    Patay ang American basketball player na si Galen Young matapos masangkot sa aksidente sa Memphis.     Base sa imbestigasyon ng Memphis Police Department, naganap ang insidente sa Horn Lake Road sa Memphis.     Naging import ng Alaska at San Miguel Beermen si Young noong 2004 hanggang 2009.     Labis na nalungkot si […]

  • Vice President Sara, sumagot sa ‘Resign Marcos’ ni Baste

    NAGLABAS na kahapon si Vice President Sara Duterte ng reaksiyon hinggil sa panawagan ng kanyang kapatid na si Davao City Mayor Sebastian Duterte, sa kanyang kaalyadong si Pang. Ferdinand Marcos Jr. na magbitiw na sa tungkulin kung wala naman aniya itong pagmamahal sa bansa.     Ayon kay VP Sara, na siya ring kalihim ng […]