Unvaccinated vs COVID-19 puwede pa ring bumiyahe pero bawal sa pampublikong transportasyon – DOTr exec
- Published on January 18, 2022
- by @peoplesbalita
NILINAW ng Department of Transportation (DOTr) na walang direktiba silang inilalabas na pumipigil sa mga hindi pa bakunado kontra COVID-19 na bumiyahe.
Ayon kay DOTr Undersecretary for Legal Affairs Reinier Paul Yebra, maari pa rin namang makabiyahe ang mga unvaccinated persons gamit ang ibang pamamaraan.
Sa mga pampublikong transportasyon lamang kasi aniya ipinagbabawal ang pagsakay ng mga ito base na rin sa nakasaad sa Department Order na inilabas ng DOTr hinggil sa “No Vaccine, No Ride” policy.
Dapat aniyang maintindihan na ang karapatan para makasakay ay dapat banlanse rin sa responsibilidad nila bilang transport regulator hinggil sa pagpapanatili at tiyakin ang ligtas na pagbiyahe.
Iginiit ni Yebra na ang paglabas nila ng No Vaccination, No Ride policy ay hindi paglabag sa Republic Act No. 11525 o COVID-19 Vaccination Program Act. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
₱150 across-the-board increase ng minimum wages ng manggagawa sa private sector, isinusulong
IKINATUWA ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang inhaing Senate Bill No. 2002 ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na nagsusulong sa ₱150 across-the-board increase ng minimum wages ng manggagawa sa private sector. Kasabay nito, naghain din si TUCP President at Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza (TUCP Party-list) ng House […]
-
Pumanaw na after makipaglaban sa sakit… Iconic na boses ni MIKE, mami-miss at ‘di na maririnig
PUMANAW na ang veteran broadcast journalist na si Mike Enriquez noong nakaraang August 29 sa edad na 71. Nakilala si Mike dahil sa pagiging lead anchor ng mga news and public affairs program ng GMA-7 na Saksi, 24 Oras, Super Radyo DZBB at Imbestigador. Higit na 50 years na sa news broadcasting career ni […]
-
Mahigit 244K katao, naapektuhan ng nagdaang Bagyong Dodong – NDRRMC
NASA 66,540 pamilya o 244,824 katao ang apektado sa limang rehiyon dahil sa epekto ng habagat at Tropical Depression Dodong, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Sa pinakahuling bulletin nito, sinabi ng ahensya na ang bilang na ito ay mas mataas kaysa sa 24,008 pamilya sa update nito noong […]