Diaz bababa ng timbang sa 2024 Paris Olympics
- Published on January 19, 2022
- by @peoplesbalita
INALIS ng International Weightlifting Federation (IWF) ang women’s 55-kilogram division para sa 2024 Olympic Games sa Paris, France.
Dahil dito ay nagdesisyon si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz na lumipat sa mas mababang 49kg. category sa kanyang pagsabak sa nasabing quadrennial event.
Sa kabila ng pagkakaroon ng coronavirus disease (COVID-19) noong nakaraang linggo ay patuloy pa rin sa kanyang pag-eensayo si Diaz habang naka-quarantine para paghandaan ang mga Olympic qualifying.
“Kahit qualifying rounds ito I really need to prepare, then I have to drop weight,” wika ng 30-anyos na national weightlifter na tinamaan pa rin ng virus bagama’t mayroon na siyang booster shot.
Ang 49kg. division ng Tokyo Olympics ay pinagreynahan ni Chinese lifter Hou Zhihui.
-
Kai Sotto sumama na sa ensayo ng Gilas Pilipinas
Sumama na si Kai Sotto sa training bubble ng Gilas Pilipinas para sa third window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark. Nagtapos na kasi ang quarantine period ng 7 foot 4 para makasama sa training ng Gilas kung saan magiging host ang Pilipinas. Umaasa naman si Samahang Basketball ng […]
-
Pagpapalabas ng P3 bilyong karagdagang pondo ng DSWD, aprubado na ng DBM
PARA patuloy na mabigyang tulong ang mga indibidwal at mga pamilyang nangangailangan, inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng karagdagang pondo na nagkakahalagang P3 bilyon para sa kinakailangang budget para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program. Inaprubahan ni DBM Secretary Amenah F. Pangandaman ang pagpapalabas […]
-
Kadiwa outlets ng Marcos administration, nakapagsilbi ng 1.22-M households
INIULAT ng Office of the Press Secretary (OPS) na nasa 1.22 million households ang napagsilbihan ng Marcos administration sa mga Kadiwa outlets. As of November nitong taon nakapagtala ng P418 million na kita ang 19, 383 Kadiwa selling activities ng pamahalaan. Naka-benepisyo naman dito ang 450 farmer cooperatives and associations (FCAs) at agri-fishery enterprises sa […]