• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinakamalakas na submarine ng US dumaong sa Guam

NAGSAGAWA ng port visitation sa Guam ang isa sa tinaguriang “most powerful weapon” ng US Navy ang USS Nevada.

 

 

Isa itong Ohio-class nuclear-powered submarined na may kargang 20 Trident ballistic missiles at ilang mga nuclear warheads.

 

 

Dumaong ang nasabing submarine na tinawag nilang “Boomers” sa Navy base sa US Pacific Island terrirtory.

 

 

Ito ang unang pagbisita ng ballistic missile submarine sa Guam mula pa noong 2016 at ang ikalawang inanunsiyong pagbisita mula noong 1980.

 

 

Ayon sa US Navy na layon ng port visit ay para mapalakas ang kooperasyon sa pagitan ng US at mga kaalyado nito sa rehiyon.

 

 

Ipinapakita ng US ang kaniyang kapasidad, kahandaan at ang pagtiyak nito sa Indo-Pacific regional security and stability.

 

 

Kadalasan kasi na ang paggalaw ng mga 14 boomers ng US Navy ay isinisekreto kung saan lulan ito ng mahigit na 150 mga marino.

 

 

Sinasabing nagtatagal ito sa ilalim ng tubig ng 77 araw bago dumaong ng ilang buwan sa port para sa kaniyang maintenance.

 

 

Maraming mga analyst naman ang nagsabi na kaya ipinakita ng US ang kanilang submarine para idiin sa China ang kanilang kakayahan na ipagtanggol ang Taiwan at ilang mga bansa na sinasakop nila.

Other News
  • IHU coronavirus hindi pa ‘variant of concern’ – health expert

    Hindi maituturing na variant of concern ang IHU coronavirus variant na unang natuklasan sa France.     Sinabi ni infectious disease expert Dr. Edsel Salvana na mula pa noong Nobyembre 2021 ay binabantayan na ito ng World Health Organization (WHO).     Dagdag pa nito na marami itong mutations pero wala umano itong immune evasion […]

  • Galvez nag-sorry sa mga ‘lapses’ sa protocols sa dolomite beach

    Humingi ng paumanhin sa publiko si National Task Force Against COVID-19 (NTF) chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa pagdagsa ng maraming tao sa dolomite beach sa Manila Bay.     Pinangangambahan kasi ng ilang health experts na maging super spreader event ang pagpunta ng libu-libong katao sa white sand area ng Manila […]

  • Romnick at Cris, parehong hanga sa boyfriend ni Kathryn: DANIEL, very pleasant na katrabaho at parang kuya sa young cast

    “DANIEL Padilla is very pleasant to work with,” pahayag ni Romnick Sarmienta tungkol sa kalabtim at boyfriend ni Kathryn Bernardo sa zoom presscon ng trending series na 2Goor 2Be True.     Mas maganda na raw ang ugnayan nina Romnick at Daniel ngayon na gumaganap bilang mag-ama sa naturang serye.     Ayon pa kay […]