• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit 1,700 mga pasahero ng tren, nasampolan ng ‘no vaccination, no ride’

MAHIGIT 1,700 na mga pasahero ng tren ang hindi pinayagang makasakay matapos na hindi makapagpakita ng vaccination cards ang mga ito sa unang araw ng pagpapatupad ng “no vaccination, no ride” policy sa National Capital Region (NCR).

 

 

Sa inilabas na pahayag ng Department of Transportation (DOTr), sinabi ni DOTr Undersecretary for Railways TJ Batan na umabot as 1,749 ang kabuuang bilang ng mga commuters ang nagtangkang sumakay sa mga tren sa Metro Manila ngunit bigong makapagpakita ng kanilang mga vaccination cards.

 

 

Sa ulat ng kagawaran, pinakamarami ang kanilang naitalang mga pasaherong di pinayagan na makasakay sa MRT-3 na umaboy sa bilang na 1,204, na sinundan naman ng LRT-1 na may 401 na mga pasahero, habang nasa 136 naman ang mga commuters na hindi pinayagan sa LRT-2, at walong mga indibidwal naman ang kanilang naitala sa Philippine National Railways (PNR).

 

 

Muli namang iginiit ng DOTr na exempted mula sa nasabing polisiya ang mga taong hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19 dahil sa kanilang medical conditions.

 

 

Kinakailangan lamang na makapagpakita ang mga ito ng duly-signed medical certificate na may pangalan at contact details ng kanilang mga doktor.

 

 

Exempted din sa “no vaccination, no ride” policy ang mga indibidwal na kinakailangang lumabas upang bumili ng mga essentials goods at services, tulad ng pagkain, tubig, medisina, medical devices, public utilities, energy, trabaho, at medical and dental necessities basta’t makapagpakita lamang ang mga ito ng balidong barangay health pass o iba pang patunay na maaaring bumyahe ang mga ito.

 

 

Sa kabilang banda naman ay sinabi rin ng kagawaran na babalaan na muna at saka pauuwiin ang mga pasaherong bigong makapagpakita ng patunay ng kanilang pagpapabakuna sa unang linggo ng implementasyon ng nasabing kautusan.

 

 

Ang “no vaccination, no ride” policy ay layon na protektahan ang bawat isa, bakunado man o hindi, laban sa mabilis na pagkalat at banta ng COVID-19 lalo na sa panahon ngayon na patuloy ang pagtaas ng mga kaso nito sa Pilipinas na siya namang inalmahan ng Public Attorney’s Office (PAO) dahil sa maituturing anila itong paglabag sa konstitusyon dahil tila nasisikil nito ang kalayaan ng mamamayan lalo na ang mga mahihirap na hindi pa nababakunahan laban sa nasabing virus.

Other News
  • WHO kinumpirma ang unang kaso ng ‘human-to-animal monkeypox transmission’

    PINAYUHAN  ng World Health Organization (WHO) ang mga dinapuan ng monkeypox na iwasang ma-expose sa mga hayop.     Kasunod ito sa napaulat ng pagkakahawa ng isang aso ng madapuan ng monkeypox ang amo nito sa Paris.     Ayon kay WHO technical lead for monkeypox Rosamund Lewis na ang unang kaso ng human-to-animal transmission […]

  • Filipinas bumaba ang FIFA ranking

    BUMABA ang rankings ng Philippine women’s national football team.     Sa pinakahuling edisyon ng FIFA Women’s World Rankings ay nasa pang 41 na sila ngayon.     Noong nakaraang rankings ay nasa pang-39 ang world rankings ng FILIPINAS.   Isa sa mga naging malaking sanhi ng nasabing pagbaba nila ng rankings ay ang magkahalong […]

  • China, umaasa na papalag ang Pinas kapag inaabuso na, kinakaladkad sa isyu ng ‘trouble waters’

    UMAASA ang China na papalag at tututol na ang Pilipinas kapag inaabuso na o may nagsasamantala at kinakaladkad sa isyu ng  “trouble waters.”       Ang pahayag na ito ng Chinese embassy sa Maynila ay matapos na sabihin ni  US Defense Secretary Lloyd Austin sa Camp Aguinaldo na muling pinagtibay ng Pilipinas at Estados Unidos […]