• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 dalaga nalambat sa P1.1 milyon shabu sa Navotas

UMABOT sa mahigit P1.1 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa tatlong dalaga na umano’y sangkot sa illegal na droga matapos malambat sa buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang mga naarestong suspek na sina Kyla Marie Legaspi, 22, (Pusher/Not Listed), Kristal Shaine Legaspi, 19, (Pusher/Not Listed) at Marizza Adalla alyas “Mutya”, 29, (User/Not Listed), pawang residente ng lungsod.

 

 

Ayon kay Col. Ollaging, dakong alas-3:50 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Eforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr, ng buy bust operation sa Leaño St., Brgy., Bangkulasi kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P6,000 halaga ng droga.

 

 

Matapos matanggap ang pre-arranged signal mula sa poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng droga ay agad lumapit ang back-up na operatiba saka inaresto nila ang mga suspek.

 

 

Nakumpiska ng mga operatiba sa mga suspek ang tinatayang nasa 162 grams ng hinihinalang shabu na may corresponding standard drug price (SDP) P1,101,600.00, buy bust money na isang tunay na P1,000 bill at limang P1,000 boodle momey, P1,500 cash, body bag, 2 coin purse, weighing scale, cellphone at maliit na note book.

 

 

Kaugnay nito, pinuri ni Northern Police District (NPD) Director PBGEN Jose Santiago Hidalgo Jr, ang Navotas police sa matagumpay na drug operation na para maiwasan ang paglaganap ng iligal na droga at ang masamang epekto nito. (Richard Mesa)

Other News
  • KELOT NALAMBAT SA P4.7M SHABU SA NAVOTAS

    ISANG hinihinalang tulak ng iligal na droga ang arestado matapos makuhanan ng tinatayang nasa P4.7 milyon halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Saipoden Guinal, alyas “Saipo”, 31 ng RM 16 4th FLR, New […]

  • Ilang mga NBA legends naimbitahan maging audience sa NBA Finals

    PINANGUNAHAN nina NBA legend Kareem Abdul-Jabbar at Shaquille O’Neal sa mga sikat na personalidad na magiging virtual audience sa unang laro ng NBA Finals sa pagitan ng Los Angeles Lakers at Miami Heat.   Ilan sa mga kasamang magiging audience ay ang mga NBA legends gaya nina Bill Walton, Clyde Drexler, Dirk Nowitzki, Dwayne Wade, […]

  • Magiging busy na uli sa paggawa ng movies at pag-awit… JANNO, nag-sorry sa mga followers dahil sa social at political postings

    NAG-SORRY si Janno Gibbs sa kanyang mga followers.       Ang dahilan, sa mga nakaraang buwan daw kasi, puro tungkol sa social at political ang mga postings niya.       Naging vocal din si Janno noong nakaraang election na ang sinuportahan niya ay si dating VP Leni Robredo. At tumanggap din si Janno […]