• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBA governors’ cup dedesisyunan sa susunod na linggo

MALALAMAN sa susunod na linggo ang desisyon ng PBA Board para sa natenggang 2021-2022 Governors’ Cup sa gitna ng paglobo ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa dahil sa Omicron variant.

 

 

Nagpasya ang PBA Board na suspindehin ang mga laro ng nasabing import-reinforced conference nang sumirit ang mga COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR) at mga karatig probinsya.

 

 

“Madedesisyunan na iyan next week. Nagpatawag na ng board mee­ting si Chairman (Ricky Vargas),” wika kahapon ni PBA Commissioner Willie Marcial sa online session ng Philippine Sportswriters Association (PSA).

 

 

“By next week malalaman na kung itutuloy o hindi, ano ba ang balak, hihintayin ba nating bumaba (ang COVID-19 cases),” dagdag nito.

 

 

Inihayag ng liga ang pansamantalang pagpapaliban sa mga laro ng Go­vernors’ Cup pati ang mga team scrimmages noong Enero 6 nang sumipa ang mga COVID-19 cases sanhi ng Omicron variant.

Other News
  • 5M plastic cards, inaasahang maipapasakamay sa DOTR bago matapos ang 2023

    INAASAHANG maipapasakamay sa Land Transportation Office ang hanggang limang milyong plastic cards para sa driver’s license ng mga motorista, bago matapos ang kasalukuyang taon.     Ayon kay Land Transportation Office Chief Vigor Mendoza II, inaasahan ang delivery ng mga nasabing plastic cards, sa pamamagitan ng 500,000 cards o higit pa, bawat buwan.     […]

  • PBA maraming options para sa Season 46

    Maraming options na naglutangan para matagumpay na mairaos ang PBA Season 46 matapos itong maudlot dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.     Kaliwa’t kanan na ang nagsulputang posibleng maging sagot matuloy lamang ang season na makailang ulit nang na-postpone dahil sa community quarantine.     Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, […]

  • Gatchalian may malaking papel na gagampanan bilang Kalihim ng DSWD

    KUMPIYANSA  si Cavite Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga, Jr., sa gagampanang papel ni Valenzuela Rep. Rex Gatchalian bigang bagong talagang kahilim ng Department of Social Welfare and Development DSWD).     Ayon kay Barzaga, ito ay bunsod na rin sa maayos na record ng mambabatas na nagsilbing local chief executive at kongresista.     Nagsilbi ng […]