• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga seniors at may comorbidities, ‘di nirerekomendang magpa-booster shot sa mga botika

SA KABILA ng pilot rollout ng “Resbakuna sa Botika” program ng pamahalaan, hindi inirerekomenda ng pamahalaan ang pagpapabakuna ng mga mayroong comorbidities at senior citizens sa mga drugstores.

 

 

Ayon kay Vaccine Czar, Carlito Galvez Jr., mas maigi umanong sa mga vaccination sites magpabakuna ang mga seniors at may mga comorbidities para mas mabigyan sila ng medical attention.

 

 

Sinabi ni Galvez na naisip nilang makipag-ugnayan sa mga botika para sa isasagawang booster shots dahil mahaba-haba pa ang boostering.

 

 

Aniya, sa ngayon kasi ay mababa pa ang bilang ng mga nababakunahan ng booster shots na papalo sa limang milyon.

 

 

Target naman pamahalaan na makapagbakuna ng 50 hanggang 100 na booster shots kada botika sa isang araw.

 

 

Sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo naman ay nais ng pamahalaan na mapalawak pa ang Resbakuna sa Botika sa iba’t ibang panig ng bansa.

 

 

Mabusisi naman daw na pinag-aaralan ng pamahalaan ang pamantayan sa pagbabakuna sa mga botika dahil mayroong mga drug stores na masisikip na hindi puwedeng mag-administer ng bakuna.

 

 

Ang mga booster shots naman na ginagamit sa ngayon ay ang Astrazeneca at Sinovac dahil hindi ito masyadong sensitibo sa iba pang klase ng bakuna gaya ng Pfizer at Moderna vaccine. (Daris Jose)

Other News
  • Nadal pasok na sa 2nd round ng Wimbledon

    PASOK  na sa ikalawang round ng Wimbledon si Rafael Nadal matapos talunin si Francisco Cerundolo ng Argentina.     Nagtala ito ng 6-4, 6-3, 3-6 at 6-4 ang seeded number 2 laban sa 41st ranked na Argentinian player.     Mula sa simula ay pinatunayan ng 36-anyos na Spanish player na kaya niyang dominahin si […]

  • ‘Social media giant’ na Facebook at iba pang sites gaya ng Instagram pansamantalang hindi ma-access

    Nakaranas ng massive outages ang pangunahing social media services na kinabibilangan ng Facebook, Instagram at WhatsApp simula nitong gabi ng Oktubre 4.     Base sa outage tracker na Downdetector na bukod sa Pilipinas ay nakaranas ang outages sa Washington at Paris.     Dahil dito maraming mga netizens ang nagparating ng kanilang karanasan sa […]

  • Warriors pasok na sa NBA Finals matapos idispatsa ang Mavericks sa serye, 4-1

    BALIK NA muli sa NBA Finals ang Golden State Warriors matapos na talunin kanina sa Game 5 ng Western Conference finals ang Dallas Mavericks sa score na 120-110.     Tinapos ng Warriors ang best-of-seven series sa 4-1 record.     Makakaharap ng Warriors sa Finals ang magwawagi naman sa pagitan ng Boston Celtics at […]