• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, oks na ipalabas ang P1.185 bilyong piso para sa special risk pay ng mga health workers

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapalabas sa P1.185 bilyong piso mula sa contingent fund ng gobyerno noong nakaraang taon para sa special risk allowance (SRA) ng mga health workers na hindi pa nakatatanggap nito.

 

 

Sinabi ni Senador Bong Go na ang P1.185 bilyong piso ay huhugutin mula sa 2021 Contingent Fund at gagamitin para bayaran ang SRA ng eligible health workers na direktang nag-aasikaso o may contact sa COVID-19 patients.

 

 

“Ang ating mga medical frontliners ay ang mga sundalo sa gyerang ito. Sila ang tinuturing nating bayani sa laban kontra COVID-19,” ayon kay Go, long-time aid ni Pangulong Duterte at chairman ng Senate health committee.

 

 

Sa ngayon, mahigit sa 496,000 health workers ang nabigyan ng kanilang SRA, ang iniulat ng Department of Health (DOH) sa pagdinig ng Mababang Kapulungan ng KOngreso, araw ng Martes, Enero 18.

 

 

“The SRA provided has amounted to a total of nearly P8 billion,” ayon kay DOH Assistant Secretary Maylene Beltran. (Daris Jose)

Other News
  • MOA signing at Unveiling ng Metro Manila Subway at NSCR Exhibit sa Valenzuela

    LUMAGDA ang Lungsod ng Valenzuela at ang Department of Transportation (DOTr) sa isang Memorandum of Agreement on the Academic Partnership sa pagitan ng DOTr – Philippine Railways Institute (PRI) at Valenzuela Technological College (ValTech), kasunod ng ceremonial signing ay ang pag-unveil ng Metro Manila Subway (MMS) at ng North-South Commuter Railways (NSCR) scale model exhibit […]

  • Krimen tumaas sa Alert Level 1 – DILG

    MULING tumaas ang ilang index crimes simula nang isailalim ng pamahalaan ang ilang lugar sa bansa sa Alert Level 1.     Partikular na tinukoy ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang mga insidente ng nakawan na nagsimula aniyang du­maming muli nang tumaas ang mobility ng mga tao, ngayong […]

  • PBBM, nagpulong ukol sa economic situation sa Pinas

    TINALAKAY ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., araw ng Martes, sa kanyang gabinete  ang  kasalukuyang economic situation sa bansa.     Ito’y matapos na pangunahan  ni Pangulong Marcos ang unang Cabinet meeting sa Malacañan Palace, Martes ng umaga.     Ang miting na dapat ay nagsimula ng alas-9 ng umaga ay nagsimula ng “15 minutes […]