• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SYLVIA, tila nagpaparinig kina ARJO at RIA na gusto nang magka-apo; nalungkot dahil ‘di na baby si XAVI

SA latest Instagram post ni Sylvia Sanchez, ibinahagi niya ang mga photos nila ng bunsong anak na si Xavi Atayde na mas matangkad na sa kanya.

 

 

Sa kanilang usapan, “Xavi: Mommy, I’m taller than u na.
“Me: bigla akong nalungkot hahaha. Xavikok my baby no more!”

 

 

Kaya nasabi na lang ni Sylvia na, “Hintay nalang talaga ako ng apo ko ehem, ehem, ehem.

 

“But in the meantime, habang wala pa ehem ehem, sila Soji, Zola, Lulu, Ellie, Callie, Georgie, Hailey, Matilda and Bucky muna ang mga babies ko. #happiness #thankuLORD.”

 

 

Nahihilig nga ang premyadong aktres sa pag-aalaga ng kanyang fur babies at makikita ito sa mga post niya ang iba’t-iba breed ng aso.

 

 

At dahil nga parang nagpaparinig na si Sylvia sa kanyang mga anak na sinia Arjo at Ria Atayde, agad na sumagot ang ang kanyang dalaga ng isang mahabang, “Noooooo.”

 

 

Dagdag pa ni Ria sa tanong kung siya ba yun, “KALMA. Jowa muna hahahaha.”

 

 

Naka-relate naman si Christine Bersola-Babao, “Ako rin nalungkot nung mas mataas na sa kin si Anya! Hehe.”

 

 

Sagot naman ni Ibyang, “Itawa nalang natin Tin ahahaha pero nakakaloka ahahaha.”

 

 

Say naman ni Giselle Sanchez, “Guapo anak mo @sylviasanchez_a.”

 

 

Comment naman ni Jennifer Sevilla, “Waah mixed happy and sad hahaha. Bilis lang, malalaki na mga kids.”

 

 

Post naman ni Rhea Tan ng Beautederm, “Aww dna sha baby miss u Kuya Xavi. So gwapo.” “Oo Reirei. nalungkot ako bigla ahahha,” sagot naman niya.

 

 

Natuwa naman ang netizens at followers sa post ni Sylvia, na namangha at humanga rin kay Xavi na nagbibinata na at lumalaking guwapo, nahahawig din sa kanyang Kuya Arjo.

 

 

Comment ng netizens: “No matter how tall he is po, @xavitoysandgaming will always be the baby bunso in the family. miss you Nay @sylviasanchez_a.. hope to see you soon

 

 

“Maine at Arjo, nagpaparinig na si mommy.”

 

 

“Bigyan ng apo yan @mainedcm @arjoatayde.”

 

 

“Apo daw Arjo. Nka tag si @mainedcm.”

 

 

“Heaven ang may apo ako 20 apo ko and all professionals everybody happy kc Spoiled sila sa akin. i know ganyan k din sa apo mo they are so Precious, @mainedcm @arjoatayde sweetie cuties babies are angels.”

 

 

Sabi pa ng fans nina Arjo at Maine, “Team #ArMaine 2023! Juan for Maine, Maine for Juan.”

 

 

“Maam Sylvia antay lang yun munang ate ni meng ikakasal na sya ngayung 2022 kaya sina arjo at meng for sure na sa 2023.”

 

 

Nang balikan namin ang IG post ni Sylvia, wala pang reaction dito si Arjo.

 

 

***

 

 

MULI na namang nanawagan sa pamahalan si Dr. Carl Balita, senatorial candidate ng Aksyon Demokratiko, upang bigyang aruga ang mga nurses at iba pang health workers sa kabila ng pagtaas ng bilang ng Covid-19 cases sa bansa.

 

 

Sa Pan de Sal Forum ng Kamuning Bakery, umapela ang kauna-unahang nurse-midwife na senatorial candidate na tapyasin na ang kontraktwalisasyon ng  nurses upang mabigyan ang mga ito ng benefits at security of tenure.

 

 

“Tapusin na ang job order sa mga narses na siyang kalakaran sa government hospitals.”

 

 

Inirekomenda rin ni Balita ang karampatang tulong sa mga nurses na gustong bumalik sa nursing matapos silang mapadpad sa ibang larangan.

 

 

“Sa panahong kailangan ng ating health system ang marami pang narses, mungkahi kong bigyan sila ng akmang training through scholarship sa mga kilalang nursing schools. Malaking karagdagan sila sa kakulangan natin ngayon.’’

 

 

Dahil hindi ipinasa ng Comelec ang Nurses United Party List, umaasa na lamang ang mahalagang sektor na ito sa pagkapanalo ni Carl Balita upang siyang maging tinig ng health care sector sa Senado sa 2022.

 

 

Pati na rin sa entertainment industry na naging bahagi siya, na naghihingalo na dahil sa pandemya ay hindi rin niya pababayaan at puwede siyang matakbuhan.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Ads April 30, 2024

  • Pagbubukas ng ilang negosyo para lang sa bakunado, plano ng DTI

    Pinag-aaralan  na ng Department of Trade and Industry  (DTI) ang pagbubukas ng  ilang mga negosyo at ibang aktibidad na hindi pinapayagan habang nakataas ang enhanced community qua­rantine (ECQ)  at modified enhanced community quarantine (MECQ) sa lugar, subalit para lamang sa mga bakunado.     Ayon kay DTI Undersecretary Ireneo Vizmonte sa isang panayam. kabilang sa […]

  • Higit 19K bagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH

    NAKAPAGTALA ang Pilipinas ng 19,262 bagong kaso ng COVID-19 nitong Agosto 22-28.     Batay sa National COVID-19 case bulletin na inilabas ng DOH nitong Lunes, mayroong average na 2,752 kaso na naitatala kada araw sa nakalipas na linggo.     Mas mababa na ito ng 19% kumpara sa mga kasong naitala mula Agosto 15-21. […]