• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

11 sabungero timbog sa tupada sa Navotas, Valenzuela

UMABOT sa labing-isang indibidwal ang nadakma ng mga awtoridad isinagawang anti-illegal gambling operation sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela at Navotas Cities.

 

 

Ayon kay PMSg Julius Mabasa, nakatanggap ng impormasyon mula sa concerned citizen ang District Special Operation Unit ng Nothern Police District (DSUO-NPD) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Col. Jay Dimaandal hinggil sa nagaganap na illegal gambling na kilala bilang Tupada sa Pinalagad, Brgy. Malinta.

 

 

Agad bumuo ng team ang DSOU sa pangunguna ni P/Capt. Melito Pabon saka pinuntahan ang naturang lugar, kasama ang 4th MFC RMFB at Valenzuela Police Sub-Station 4 dakong 11:50 ng umaga na nagresulta sa pagkakaaresto kay Jericho Bajao, 29, Benjamin Adriano, 65, Manuelito Depala, 54, John Redondo, at 39, Nelson Adriano, 39, pawang residente ng Pinalagad Brgy., Malinta.

 

 

Narekober ng mga pulis ang dalawang patay na panabong na manok na may tari at P1,950.00 bet collection.

 

 

Sa Navotas, dakong alas-3:50 ng hapon nang salakayin din ng mga operatiba ng Navotas Police SOG/ Station Intelligence Unit sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr, ang illegal na tupadahan sa Tulay Singko, Brgy. Daang-Hari na nagresulta sa pagkakaaresto kay Rolando Boquilon Jr, 27, Dionisio Grate, 52, Joseph Bryan Cruz, 34, Seaman at  Guilbert Quintong, 33.

 

 

Nakumpiska ng mga pulis ang dalawang panabong na manok na may tari at P600 bet money.

 

 

Nauna rito, alas-11 ng umaga nang matimbog din ng mga operatiba ng SOG-SIU sa illegal na tupadahan sa Bagong Silang St., Bgry. San Jose sina Alejandro Lagaras, 60 at Cristopher Sagadal, 45. Nakuha ng mga pulis ang dalawang panabong na manok na may tari at P820 bet money. (Richard Mesa)

Other News
  • WATCH THE NEW TRAILER FOR “BOB MARLEY: ONE LOVE,” A FILM THAT CELEBRATES THE LIFE AND MUSIC OF THE LEGENDARY MUSICIAN

    FIRST he changed music. Then he changed the world. Based on a true story and produced in partnership with the Marley family, Bob Marley: One Love opens in cinemas February 21. Kingsley Ben-Adir stars as the legendary musician and Lashana Lynch plays his wife Rita. Watch the trailer:  YouTube: https://youtu.be/VyfUMCfCFno About Bob Marley: One Love BOB MARLEY: ONE LOVE […]

  • Gilas 3×3 labas muna sa Calambubble

    Pansamantalang binasag ng Gilas Pilipinas 3×3 ang training camp nito sa Calambubble upang mag-asikaso ang buong delegasyon ng travel requirements para sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Austria.     Ilang araw na lang bago tumulak ang buong dele­gasyon para sa Olympic qualifying tournament na idaraos sa Mayo 26 hanggang 30.     Ngunit matapos […]

  • Clippers nananatiling paborito na manalo laban sa Nuggets

    Nananatili pa ring pinipili ng mga basketball experts at bettors na manalo ang Los Angeles Clippers laban Denver Nuggets sa Game 4 nila sa Western Conference Semifinals.   Ito ay matapos na hawak ng Clippers ang 2-1 na kalamangan sa serye nila ng Nuggets.   Ilan sa mga nakitang maaaring kakulangan ng Nuggets ay ang […]