DOTr: Mga sirang elevators at escalators sa LRT 2, Ok na
- Published on January 26, 2022
- by @peoplesbalita
INULAT ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na umaandar na ang mga sirang elevators at escalators sa Light Rail Transit Line 2 (LRT 2) matapos na makita na isang disabled na pasahero ang umaakyat sa hagdanan habang dala-dala ng dalawang (2) security personnel ang wheelchair nito.
Agad umaksyon si Tugade at inutusan ang Light Rail Transit Authority (LRTA) na ayusin ang mga nasabing sirang elevators at escalators.
Sa kasalukuyan, mayron 34 na elevators at 26 na escalators sa mga estasyon ng LRT 2 ang tumatkbo at umaandar na.
“Last November, I ordered the LRTA, operator of LRT 2 to prioritize the repairs of the defective elevators and escalators to help commuters, especially the elderly, pregnant women, and persons with disabilities. The LRTA commits to work around the clock to repair the remaining non-operational escalators and elevators,” wika ni Tugade.
Ang bagong lagay na LRTA administrator Jeremy Regino ay nagpatawag naman ng isang pagpupulong upang ang mga natitirang sirang elevators at escalators ay maging operational sa lalong madaling panahon.
Isa sa mga options na puwedeng gawin ay ang magkaron ng emergency procurement para sa mga kailangan bahagi at ilagay ang existing na maintenance provider ng LRT 2 upang sila ang gumawa ng pagaayos.
Noong nakaraang December, ang LRTA ay naghain ng complaints sa Office of the Ombudsman laban sa mga opisyales at mga private contractors na sinasabing sangkot sa isang maanomalyang pagbili ng mga equipment para sa nasabing rail line na nagkakahalaga ng P170.3 million
Kasama sa complaint ang P138 million na kontrata na ibinigay sa Ma-An Construction Inc. at IFE Elevators Inc. para sa supply, delivery, installation at commissioning ng conveyance system ng LRT 2. Pinagutos na ni Tugade na ilagay sa mga listahan ng mga blacklisted na suppliers ang nasabing kumpanya.
Ang LRT 2 ay may 13 estasyon simula Recto sa Manila hanggang Masinag, Antipolo na may habang 17.69 na kilometro.
Samantala, nawalan ng operasyon ang LRT line 1 noong nakaraang Linggo dahil sa ginawang testing para sa bagong signaling system. Ayon sa Light Rail Manila Corp (LRMC) na siyang operator ng LRT line1, na kanilang ina-upgrade ang LRT-1’ signaling system upang magtugma sa bagong train sets na tinatawag na fourth generation train sets.
Magkakaron ulit ng suspension ng operasyon sa Jan. 30 upang gawing muli ang testing at nang making kumpleto na ang testing sa bagong signaling system na siyang gagamitin upang mag direct ng traffic sa railway.
Ang LRMC consortium na binubuo ng Metro Pacific Investments Corp.’s Metro Pacific Light Rail Corp., Ayala Corp.’s AC Infrastructure Holdings Corp., at Macquarie Infrastructure Holdings (Philippines) PTE Ltd. ang siyang nanalo ng kontrata para sa pagtatayo ng LRT-Cavite extension project. LASACMAR
-
Walang dahilan para ipagpaliban ang Negros Oriental barangay, SK polls-Abalos
WALANG nakikitang dahilan si Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. para ipagpaliban ang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Negros Oriental kasunod ng kanyang pagbisita sa lalawigan nito lamang weekend. Sinabi ni Abalos na ang lalawigan ay mapayapa sa loob ng apat na buwan matapos na patayin si dating governor Roel Degamo, tinukoy […]
-
Angelina Jolie Reveals Turning Down A Big Superhero Role Before Joining ‘Eternals’
ANGELINA Jolie reveals that she turned down a big superhero film before signing up to star in Eternals. Marvel Studios’ next blockbuster will introduce a whole new team of superheroes who have been on Earth for thousands of years. Directed by Academy Award-winning filmmaker Chloé Zhao, the film boasts a star-studded cast, including Jolie, […]
-
KYLIE, nagulat at nasaktan sa akusasyon ni ALJUR kaya may hamong magkita na lang sa korte
SA exclusive tell-all interview ni Kylie Padilla kay Jessica Soho noong October 21, na inere naman noong Linggo sa Kapuso Mo, Jessica Soho, isa-isa niyang sinagot ang akusasyon ng estranged husband na si Aljur Abrenica. Na base sa pinost ng aktor, siya ang unang nag-cheat at sumira sa kanilang pamilya. Pumayag nga si […]