• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

12-anyos na estudyante natagpuang patay sa Malabon

PALAISIPAN sa mga awtoridad at sa pamilya ng 12-anyos na Grade 6 student na natagpuang patay habang may nakapulupot na lubid ng duyan sa leeg sa loob ng kanilang bahay sa Malabon City.

 

 

Dakong alas-7 ng gabi noong sabado nang madiskubre ang bangkay ng 12-anyos na estudyante sa loob ng kanyang silid sa ikalawang palapag ng kanilang tirahan sa Barangay Potrero.

 

 

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Malabon Police chief P.Col. Albert Barot, huling nakitang buhay ang biktima ng kanyang 20-anyos na nakatatandang kapatid na lalaki dakong alas-5 ng hapon ng Sabado sa kanilang tirahan.

 

 

Nang tumawag ang kanilang ama bandang alas-7 ng gabi ay inutusan ang panganay na tawagin ang biktima para kausapin kaya’t umakyat kaagad ang binata patungo sa silid at dito niya nakita ang kapatid na nakadapa at may nakapulupot na lubid ng duyan sa leeg.

 

 

Kaagad niyang tinawag ang kanilang ina na noon ay nagluluto ng pagkain at mabilis nilang isinugod ang biktima, sa tulong ng mga kapitbahay, sa Fatima University Medical Center kung saan siya idineklarang “dead-on-arrival” ng mga doktor.

 

 

Sinabi ni Col. Barot na hinihintay pa nina P/SSgt Mardelio Osting at P/Cpl. Renz Marlon Baniqued, may hawak ng kaso, ang resulta ng isinagawang pag-awtopsiya sa bangkay ng biktima bago magsagawang muli ng pagsisiyasat sa kaso. (Richard Mesa)

Other News
  • 3 drug suspects kalaboso sa P1 milyon droga sa Caloocan

    NASAMSAM ng pulisya ang mahigit P1 milyong halaga ng Ilegal na droga sa tatlong drug suspects matapos maaresto sa magkahiwalay na drug operation sa Caloocan City.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, ala-1:35 ng Lunes ng madaling araw, nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station […]

  • MAG LIVE-IN PARTNER SINAKSAK NG KAPITBAHAY SA MALABON

    MALUBHANG nasugatan ang 54-anyos na vendor habang nagtamo naman ng maliit na sugat ang kanyang ka-live-in matapos pasukin at saksakin ng kapitbahay sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.     Ginagamot sa Valenzuela Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa likod ang biktimang si Nelson Rama ng No. 56 East Riverside, Brgy. Potrero.     […]

  • Miyembro ng “Compendio Drug Group”, kasabwat timbog sa buy bust sa Valenzuela

    DALAWANG hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang miyembro ng “Compendio Drug Group” na listed bilang high-value individual (HVI) ang nalambat sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong mga suspek bilang si Alex Estrella alyas “Tropa”, 44, (HVI), miyembro ng […]