• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SENIOR CITIZENS ID para sa PUBLIC TRANSPORTATION

UMIIRAL pa rin ang 20 per cent discount sa public transport kahit na may 70 per cent maximum limit sa passenger capacity. May ilang senior citizen na pasahero na taga QC ang nagtatanong kung kikilalanin ng mga driver at konduktor ang bagong labas na QC card.  Bakit hindi? Nakalagay naman doon ang petsa ng kapanganakan para madaling ma-verify and edad ng pasahero.

 

 

Kung walang OSCA ID ay pwede ang government issued ID tulad ng drivers’ license o voters ID.  At dito nagkakalituhan dahil tinatanong kung ang QC Card ay official ID na maaring magamit hindi lang sa transport pero sa mga establisyamento para mabigyan ng discount.

 

 

Nagiging problema rin daw kung ito ang ipinakikita sa labas ng Quezon City. Sabi nga ng ilang senior citizens mas mainam ang OSCA ID dahil ito ang nasa batas at ino-honor kahit saan na no-questions ask!

 

 

Ito ang nais na gawin simple na lang ng RA 11055 o Philippines Identification Systems Act dahil sa hindi na kakailanganin ang ano mang ID dahil ang petsa ng kapanganakan ay nandoon na. Ang ibang LGU na nagbibigay ng additional benefits sa kanilang senior citizens ay nagre-require na ‘yun LGU issued ID ang gamitin para sa additional benefits.

 

 

Sa kabila ng lahat nang ito ang naiipit ay ang pobreng senior citizen.

 

 

Sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang mungkahi namin ay basta mapatunaya ng gamit na anumang identification card na Senior citizen ang bearer ay sapat na ito para ibigay ang diskwento na saad ng batas.

 

 

Naalala ko noong nasa LTFRB ako may nagsumbong na isang pasahero laban sa isang bus company na hindi siya binigyan ng discount dahil hindi niya dala ang ID niya – pero sa itsura ng nasabing pasahero ay sigurado naman na senior citizen na ito.

 

 

Ang sabi ko noon – ang ID ay isang dokumento na nagpapatunay na senior na ang pasahero, pero kung sa itsura pa lamang ay walang kaduda-duda na senior na siya dapat ibigay ang diskwento sa kanya.

 

 

Dapat ay hingin lamang ang ID kung nay sapat na duda ka sa edad niya. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • Kahit katapat nito ang pinag-uusapang ‘Darna’: Fantaserye ni RURU na ‘Lolong’, pataaas pa rin nang pataas ang rating

    BONGGA si Jillian Ward dahil nabigyan na siya agad ng GMA-7 ng isang napakabonggang role.     Gagampanan ni Jiliian ang isang genius young doctor sa bagong GMA Afternoon Prime, ang “Abot Kamay na Pangarap.”     Noong bata raw siya, around five years old, kapag tinatanong siya kung ano ang dream niya, ang sagot […]

  • ‘Face unlock, fingerprint biometrics’ posibleng gawing requirements sa pagboto

    NAGPAHAYAG  ng kahandaan ang Commission on Elections (Comelec) na posibleng gawing requirements sa mga susunod na eleksyon ang ‘face unlock at fingerprint biometric features’ para makaboto ang isang botante.     Inihayag ito ni Comelec Commissioner George Garcia makaraang ipanukala ni Vice President Sara Duterte na isama ang naturang mga biometrics na mga security features […]

  • Magpapainit sa malamig na Pasko: ANGELI, may follow-up movie agad at mas matindi ang ginawa sa ‘Eva’

    MAY follow-up movie agad ang newest sexy star na si Angeli Khang na huling napanood sa matagumpay na original Vivamax sex-drama movie na Mahjong Nights kung saan hindi siya nagpahuli sa veteran actor na si Jay Manalo sa pag-arte.     Sa kanyang follow-up project ng Viva Films muling bibida si Angeli sa newest erotic […]