• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sotto nagningning para sa 36ers

MAS maganda ang inilaro ni Kai Sotto sa kanyang third game sa Adelaide 36ers.

 

 

Subalit hindi pa rin ito sapat para tulungan ang kanyang tropa matapos lasapin ng Adelaide ang 89-100 kabiguan sa kamay ng Illawarra sa 2021-22 Australia National Basketball League na ginanap sa WIN Entertainment Centre.

 

 

Nakalikom ang 7-foot-3 Pinoy cager ng 12 puntos tampok ang perpektong 8-of-8 sa freethrow line habang nagdagdag pa ito ng limang rebounds sa kanyang 13 minutong paglalaro.

 

 

Nanguna para sa 36ers si Sunday Dech na naglista ng 20 markers kabilang ang anim na three-pointers habang naglista naman si Todd Withers ng 15 points.

 

 

Nag-ambag pa si D­aniel Johnson ng 10 points at walong rebounds at si Cameron Bairstow ng walong puntos at 10 boards para sa Adelaide.

 

 

Nahulog ang Adelaide sa 3-5 marka.

 

 

Umangat naman ang Illawarra sa 5-3 baraha kung saan nagningning si Harry Froling na may 27 puntos kabilang ang walong triples.

 

 

Nagsumite pa si Tyler Harvey ng 19 markers habang naglista naman si Sam Froling ng 18 points para sa kanilang tropa.

 

 

Sunod na makakasagupa ng Adelaide ang Tasmania sa Biyernes.

Other News
  • 141 na mga indibidwal na lulan nang bumagsak na eroplano ng China, patay

    WALANG nakaligtas sa 132 mga pasahero at siyam na crew members na lulan ng bumagsak na Boeing 737-800 ng China Eastern Airlines malapit sa lungsod ng Wuzhou sa Guangxi region.     Sa video na inilabas ng video clips ng state media ng China ay makikita ang nagkalat na maliliit na bahagi ng naturang eroplano […]

  • New ‘Eternals’ Teaser Showcases Each Hero’s Superpowers

    A new Eternals teaser showcases how powerful each hero is. In a month, Marvel Studios will make its return to the big screen with Chloé Zhao’s upcoming MCU blockbuster.     Set to introduce a whole new team of superheroes, the Eternals’ arrival is expected to change the franchise’s overall power hierarchy.     One of the projects […]

  • 16 marino nakulong sa bulk carrier vessel

    HUMIHINGI ng tulong sa gobyerno ang 16 na marino na na trap sa isang Bulkcarrier vessel Angelic Glory na nakalangkla sa Hongkong Port, South China Sea.   Sa pamamagitan ng United Filipino Seafarers (UFS),ipinaabot nito sa Departmentof Labor and Employment (DOLE), Department of Foreign Affairs (DFA) atnsa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang paghingi ng […]