Payroll ng mga empleyado nananatiling ‘intact’ sa gitna ng napaulat na online banking fraud — DepEd
- Published on January 28, 2022
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Department of Education (DepEd) na nananatiling “intact” ang payroll ng mga empleyado nito sa gitna ng insidente ng online banking scams na iniulat ng ilang mga guro.
“[The] DepEd payroll system is intact. It was not hacked,” ayon kay Education Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla sa isang video na naka-post sa kanyang Facebook page noong Enero 25.
Ang pagtiyak na ito ni Sevilla ay kasunod ng reklamo at iniulat ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na may ilang public school teachers ang nawalan ng kanilang pera dahil sa pag-“hacked” sa kanilang accounts sa ilalim ng Landbank of the Philippines (LBP).
Sinabi ni TDC na may 20 guro ang di umano’y naging biktima ng online banking fraud “as of Jan. 25.”
Humingi naman ng tulong sa DepEd ang nasabing grupo para lutasin ang bagay na ito.
Ani Sevilla, nang makarating ang report sa kanyang tanggapan ukol sa unauthorized transactions ay “we immediately informed the Landbank.”
Matapos na humingi ng paglilinaw mula sa bangko, sinabi ni Sevilla na walang hacking na nangyari.
“We are using our payroll system as it is and Landbank as well has assured us that their system is also intact or secured,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, ipinaliwanag naman ni Sevilla na ang online banking transactions ng kanilang personnel, kabilang na ang teachers and non-teaching staff, ay hindi mina-managed o wala sa pamamahala ng DepEd.
“We have to explain that ito pong nangyaring ito ay through the individual bank accounts of our employees,” ani Sevilla.
“It can happen to not just DepEd but to all of [the] account holders na gumagamit ng online system ng kanilang mga banko,” paliwanag nito.
Hindi aniya in- charge ang DepEd sa pagma-manage ng online bank accounts o transactions ng mga guro at iba pang empleyado.
Ang namamahala aniya ay ang bangko at ang mismong individual holders ng bank account.
“Ang gumagamit or nag-eenrol [ay] ang empleyado na magkaroon siya ng online system,” paliwanag ni Sevilla.
“Marami, during the COVID times, di na lumalabas ng bahay, magtra-transfer na lang ng payment or you give also money to your relatives or friends, yan po ang tulong ng online system,” dagdag na pahayag nito.
-
TRB ‘di muna maniningil ng penalty sa mga walang RFID
SINIGURO ng Toll Regulatory Board (TRB) na hindi sila maniningil ng penalty sa mga hindi susunod sa paglalagay ng Radio Frequency Identification (RFID) sa kanilang mga sasakyan. Pahayag ito ng TRB sa kabila nang sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na sisimulan na sa Enero ang paniningil ng multa sa mga sasakyang walang […]
-
“Under a Piaya Moon” at “Last Shift”, waging-wagi sa ‘Puregold CinePanalo Film Festival’
ANG “Under a Piaya Moon” at “Last Shift” ang nagwagi sa inaasam-asam na Pinakapanalong Pelikula sa full-length and short film category sa inaugural na Gabi ng Parangal ng Puregold CinePanalo Film Festival. Ginanap noong Marso 16 sa Gateway Cineplex 18, ito ay isang emosyonal na gabi bilang parehong established names pati na rin ang mga […]
-
Ads June 26, 2021