• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“No vax, no ride” sisimulan sa Feb. 26 para sa mga essential workers

ANG MGA walang bakuna at may isa (1) lamang na bakuna ay hindi na makasasakay sa mga pampublikong transportasyon simula sa Feb. 26 kahit na ang kanilang trabaho ay nasa kategoryang “essential workers” na siyang ipatutupad sa National Capital Region (NCR).

 

 

Ang nasabing desisyon ay pinagkasunduan nila Labor Secretary Silvestre Bello, Interior Secretary Eduardo Ano at Transportation Secretary Arthur Tugade sa ginawang inter-agency na pagpupulong na ginawa noong nakaraang Biyernes matapos pag-aralan ang mga datus tungkol sa vaccination status ng bansa.

 

 

“In line with the new protocol, a 30-day window starting Jan. 26 is being given to unvaccinated and partially vaccinated workers in industries and establishments allowed to operate in the NCR under the existing Alert Level 3 status to continue riding public transportation and public utility vehicles in entering, exiting and going around the metropolis,” wika ng Department of Transportation.

 

 

Ang taong matatawag na fully vaccinated ay yoon dalawang linggo ng nakalipas ng sila ay nababakunahan matapos ang ikalawang bakuna ng kanilang two-dosed vaccination series tulad ng Pfizer o Moderna na bakuna, o di kaya ay pagkatapos ng dalawang linggo matapos silang maturukan ng single-dose ng Johnson & Johnson.

 

 

Sa ngayon, ang isang empleyado ng mga industriya na pinapayagan na magkaron ng operasyon sa ilalim ng Alert Level 3 ay maaari pa rin na makasakay ng mga pampublikong transportasyon subalit kinailangan sila ay mayron maipakitang katunayan na sila ay papunta sa kanilang trabaho tulad ng ID o di kaya ay certificate of employment.

 

 

“Within the 30-day window, partially vaccinated workers are still allowed to board public transportation. After this window, only the fully vaccinated will be allowed to use public transport,” wika ni DOTr undersecretary Artemio Tuazon, Jr.

 

 

Nilinaw naman ni Tuazon na ang bagong protocol ay para lamang sa mga workers. Habang ang mga existing exemptions sa ilalim ng “no vax, no ride” na polisia ay mananatili pa rin kahit tapos na ang 30-day window para sa mga taong may mga medical conditions at ang mga taong may bibilihin ng mga essential goods at services.

 

 

Ayon naman sa DILG, kanilang binibigyan ng suporta at hinihikayat ang mga hindi pa bakunado na gamitin ang pagkakataon upang sila ay mabigyan ng bakuna.

 

 

“DILG stands by the policy that after the 30-day window, we will be in full implementation of the “no vaccination, no ride” policy because it is a valid exercise of the police power of the state,” saad ni DILG undersecretary Jonathan Malaya.

 

 

Dagdag naman ni Tuazon na ang pinagsamang desisyon ng Department of Labor (DOLE), Department of Interior and Local Government (DILG) at DOTr ay nagpapakita din ng kanilang suporta sa plano ng pamahalaan na palakasin ang ginagawang pagbibigay ng bakuna sa mga tao sa gitna ng madaling makahawang Omicron variant.

 

 

Ginagawa ng pamahalaan ang ganitong paraan upang masiguro na ang mga taong may bakuna na ay ligtas sa paggamit ng pampublikong transportasyon. Naitala sa datus na ang mga workers na walang bakuna laban sa COVID-19 ay siyang madaling tamaan at magkaron ng sakit.

 

 

Idiniin naman ng DOTr, DOLE at DILG na hindi naman pinipigilan ang mga walang bakuna na mga workers matapos ang 30-day window na pumunta sa kanilang mga opisina. Pinagbabawalan lamang sila na gumamit ng pampublikong transportasyon.

 

 

Maari silang pumunta sa kanilang opisina gamit ang ibang pamamaraan ng transportasyon tulad ng active transport, private vehicles at company shuttle.

 

Sinabi naman ni acting presidential spokesman Karlo Nograles na mananatili lamang ang “no vax, no ride” na polisia habang ang Metro Manila ay nasa ilalim ng Alert Level 3 subalit ito ay automatic na aalisin kung ang capital region ay bumalik na sa Alert Level 2.

 

 

Samantala, nagbigay naman pahayag ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa pangunguna ni spokesman Alan Tanjusay na ang nasabing polisia ay “coersive.”  LASACMAR

Other News
  • Philippine sovereign debt, tumaas ng P14.5 trillion

    NAKAPAGTALA ng bagong mataas na record ang  “sovereign debt stock”, “as of end-June” habang lumakas ang pangungutang ng gobyero para tustusan ang  financing requirement nito.     Ito ang makikita sa pinakabagong data mula sa Bureau of the Treasury (BTr).     Pumalo sa P14.15 trillion ang total outstanding debt ng bansa , tumaas ng […]

  • Pulis, kasama pinagtulungan kuyugin ng 2 kagawad, tanod at 5 pa sa Caloocan

    SA ospital ang bagsak ng isang pulis at kasamang sibilyan matapos pagtulungan kuyugin ng walong kalalakihan, kabilang ang dalawang kagawad ng barangay at executive officer (Ex-O) makaraang dakpin ang isang lalaking sangkot sa ilegal na droga sa Caloocan City.     Ginagamot sa hindi tinukoy na pagamutan sina P/Cpl. Roger Lagarto, nakatalaga sa Caloocan Police […]

  • Ngayong isa na sa board member ng PCSO: IMELDA, isang linggong serbisyo ang handog sa mga nangangailangan

    NAIS ni Imelda Papin, ang newly appointed acting member of the Board of Directors ng PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office, na palawigin ang operasyon ng ahensa tuwing weekend.   Ayon sa naging pahayag ng Asia’s Sentimental Songstress, “Although, I already announced it after the oath-taking, yung aking gustong ipaabot sa board at maaprubahan itong […]