• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magsayo idedepensa ang WBC belt vs Vargas

WALA munang rematch sina reigning World Bo­xing Council (WBC) fea­therweight champion Mark Magsayo at Gary Russell Jr.

 

 

Ito ay matapos ipag-utos ng WBC ang mandatory title defense ng Pinoy pug laban kay Mexican challenger Rey Vargas.

 

 

Umaasa ang ilan na magkakaroon agad ng Part 2 ang Magsayo-Russell fight.

 

 

Subalit hindi muna ito matutupad matapos umek­sena si Vargas.

 

 

Galing sa matagumpay na panalo si Magsayo nang itarak nito ang majority decision win kay Russell para maagaw ang WBC belt noong Linggo sa Atlantic City sa New Jersey.

 

 

Hindi pa man nag-iinit ang korona kay Magsayo, tila sasalang na agad ito sa pukpukang ensayo upang paghandaan ang kanyang susunod na laban.

 

 

Hindi naman na bago si Magsayo sa mga Mexican boxers.

 

 

Sa katunayan, ilang Mexican fighters na ang pinangalanan nito matapos ang kanyang kampeonato.

 

 

“I want to fight Mexicans, they are great figh­ters, warriors. I would like to fight Leo Santa Cruz or Luis Nery,” ani Magsayo.

 

Limang Mexican bo­xers na ang nabiktima ni Magsayo sa kanyang bo­xing career.

 

 

Sa kabilang banda, mataas ang respeto ni Vargas kay Magsayo.

 

 

Nasaksihan nito ang bagsik ng kamao ni Magsayo sa laban nito kay Russell.

 

 

“Magsayo is a wider fighter, but he is smarter. Yes he has more strength than Gary Russell, but Magsayo showed a lot of intelligence in this fight,” ani Vargas.

Other News
  • Tumigil na rin sa pag-iinom at paninigarilyo: BILLY, nilinaw na hindi droga ang dahilan ng pagpayat

    “HINDI po ako adik!”   Iyan ang bulalas ni Billy Crawford bilang paglilinaw sa mga kumakalat na fake news tungkol sa rason ng pagpayat niya.     Ayon pa kay Billy, “I’m living my life to the fullest right now.”     Noon pa raw siya naiisyuhan tungkol sa kanyang itsura.     “It’s a […]

  • Suporta sa Presidential bid ni Bongbong sa 2022 tumitindi

    Dalawampu’t-limang cause-oriented organizations ang nagsanib pwersa para suportahan ang kandidatura ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. para sa pagka-pangulo sa darating na eleksyon sa Mayo 2022.       Kamakailan, binisita ng Progressive Alliance for BBM ang campaign headquarters ni Marcos sa Mandaluyong City para magsumite ng isang manifesto na nagpapahayag ng kanilang suporta.     […]

  • Ads February 28, 2020