• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JAB TO JOBS: SOLUSYON PARA MAKABANGON SA PANDEMYA – MARCOS

NANINIWALA si Partido Federal ng Pilipinas standard bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na mas mabilis na makababangon ang bansa kung ganap na mauunawaan ng bawat Pilipino ang kahalagahan ng pagpapabakuna laban sa Covid-19 para makamit ang ‘herd immunity’, na siya namang magbibigay daan sa tuluyang pagbangon ng ekonomiya .

 

 

Sa panayam kay Marcos sa programa ni Boy Abunda, ibinahagi niya ang ‘Jab to Jobs’ bilang isa sa mga pangunahing programa na iniisip ng UniTeam para makaahon sa kasalukuyang pandemya na nararanasan ng bansa.

 

 

“When it comes to COVID-19 I summarize it very simply. I call it ‘Jab to Jobs’. What we first have to do is to get vaccinated and we have to roll out the vaccines properly,” sabi ni Marcos.

 

 

Sa huling datos ng DOH-IATF National COVID-19 Vaccination Dashboard halos 58 milyong Pilipino pa lang ang fully vaccinated na medyo malayo pa sa 70 milyon na target para makamit ang tinatawag na herd immunity.

 

 

“We have to make sure that the vaccines are effective and safe, have been handled properly. Hindi pa tayo umaabot doon sa ‘herd immunity’ kailangan talaga nating paabutin doon sa 70-75% ,” sabi niya.

 

 

Ipinaliwanag niya na dapat marating na natin ang kalagayan ng ibang bansa kung saan dahil sa bakunado na sila halos lahat ay hindi na masiyadong pinapansin ang Omicron at itinuturing na parang isang ordinaryong flu na lang.

 

 

Para kay Marcos, mahalaga rin na pasiglahin ang Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) habang patungo tayo sa ‘herd immunity’ para makapagbigay ng trabaho sa mga tao na naapektuhan ng pandemya.

 

 

Mahalaga aniya na bigyan din ng insentibo at tulong ang mga nasa MSMEs, kasama na rin ang sektor ng agrikultura.

 

 

“In my view, we do that by revitalizing the MSMEs the small businesses that comprise 95% of the businesses and 60% of our employment in the businesses, they have been very hard hit, the government can help them with the lower taxes, tax holidays, amnesty, etc. the private sector can come in with micro financing and all that,” ayon kay Marcos.

 

 

Para sa kanya hindi sila maaaring pilitin pero hindi dapat tumigil ang gobyerno na sila ay makumbinsi. Mahalaga rin  aniya ang papel ng bawat Pilipino para mahikayat ang iba pa na magpabakuna para sa kapakanan ng bawat isa.

Other News
  • Handog ng ‘Tadhana’ ang three-part 5th anniversary special: MARIAN, buong puso ang pasasalamat sa mga walang sawang sumusubaybay

    IBA ang dating talaga ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza sa pagganap niya bilang isang Gen Z, si Maria Clara o si Klay, sa historical drama portal ng GMA Network, ang “Maria Clara at Ibarra”, napapanoood  pagkatapos ng “24 Oras.”     Gabi-gabi ay nagti-trending ang nasabing bagong proyekto ni Direk Zig Dulay, at hindi pwedeng mawala sa […]

  • Opisyal at tauhan ng DepEd, makatatanggap ng P3K anniversary bonus

    MAKATATANGGAP ang mga kuwalipikadong opisyal at tauhan  ng  Department of Education (DepEd) ng tig- P3,000 kada isa sa pagdiriwang ng ahensiya ng ika-125 taong anibersaryo ng departamento.        Gaya ng nakasaad sa department order na naka-post sa DepEd website, araw ng Martes, Hunyo 20, inaprubahan ni Vice President at Secretary Sara Z. Duterte […]

  • Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA), binatikos ang ginawang pagbaba sa taripa

    BINATIKOS  ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) ang ginawang pagbaba sa taripa na ipinapataw sa pag-aangkat ng bigas mula India na dating 50% taripa ay 35% na lamang ngayon.     Tugon umano ito sa naulinigang plano ng Thailand at Vietnam na taasan ang presyo ng kanilang bigas at magtaguyod ng rice cartel. […]