• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 21) Story by Geraldine Monzon

SABAY NA  napalingon sina Angela at Bernard kay Janine na nakangiti sa kanila.

 

“Janine, hija, sila ang aking mga apo, si Bernard at ang pinakamamahal niyang asawa na si Angela.”

 

Nakangiting iniabot ni Janine ang kamay niya sa dalawa na magiliw namang tinanggap ni Angela at pagkatapos ay ni Bernard.

 

“Hello po! Madalas po kayong maikuwento sa’kin ni Lola Corazon!”

 

“Talaga ba lola? Naku eh, buti pa maghanda tayo ng makakain para mapasarap ang kuwentuhan natin!” ani Bernard.

 

Sa dining room. Habang kumakain sila ay kinikilalang mabuti ni Angela ang dalaga.

 

“Nasaan ang mga magulang mo?”

 

“Nasa Baguio po sina mama at papa ngayon. Sinusubukang ibangon ang nalugi naming negosyo roon.”

 

“Ah ganon ba. Teka, may boyfriend ka na ba?” tanong pa ni Angela.

 

“Wala pa po. Wala pa sa isip ko ‘yan. Gusto ko munang makatulong sa mga magulang ko.”

 

“Mabuti kung gano’n. Tama ‘yan. At dapat ding masiguro mo muna na maayos ang magiging kinabukasan mo.” Ani Bernard.

 

Matapos silang kumain ay dinala ni Janine si Lola Corazon sa munting garden nito sa likod bahay. Mula sa terrace ay nakamasid sa kanila si Angela. Nilapitan siya ni Bernard.

 

“Sweetheart…anong iniisip mo?”

 

“Si Bela. Kung buhay siya, kasing edad na rin siya ni Janine.”

 

Napahugot ng malalim na paghinga si Bernard bago muling nagsalita. Hinawakan niya sa magkabilang pisngi ang asawa.

 

“Huwag ka ng malungkot sweetheart. Kung nasaan man si Bela ngayon, nandito man sa mundo o nasa kabilang buhay, sigurado akong ginagabayan siya ng Diyos.”

 

“Hindi ko lang maiwasan na makadama pa rin ng lungkot. Kasalanan ko kung bakit siya nawala sa atin pati ang baby natin. Kaya siguro hindi na tayo binayayaan pa ng anak…”

 

“Angela, sweetheart, huwag mong sisihin ang sarili mo, napagdaanan na natin lahat ng ‘yan. Nandito tayo para magsimula na ulit at harapin na ang bagong buhay natin dito kasama si Lola Corazon.”

 

“I’m sorry Bernard…I’m sorry!” pagkasabi niyon ay yumakap si Angela sa asawa.

 

Walking distance lang mula sa bahay ni Lola Corazon ang naipatayong restaurant ng mag-asawa. Kapag libre ang oras ay nagtutungo roon si Janine para tulungan si Angela.

 

“Oh Janine, kumusta si lola?”

 

“Nakainom na po ng gamot Ma’am. Nagpapahinga na siya ngayon sa room niya.”

 

“Ah ok. “

 

“Ang galing nyo po magbake!”

 

“Salamat. Isa ito sa mga itinuro sa akin ni Lola Corazon noong naninilbihan pa lang ako sa kanila at marami pa siyang naituro sa akin kahit noong mag-asawa na kami ni Bernard . Lahat ng iyon gagawin kong menu rito sa resto.”

 

“Wow! Pwede po bang turuan nyo rin ako ma’am?”

 

“Sure.”

 

Gabi. Nagbabasa ng libro si Bernard habang nakayakap sa beywang niya ang asawa.

 

“Kumusta ang trabaho sweetheart?” tanong ni Angela.

 

“Ayos naman. Naninibago pero kayang kaya pa rin. Mabuti na lang at tinanggap pa ulit nila ako sa kumpanya.”

 

“Alam kasi nila ang kakayahan mo.”

 

“Ikaw, kumusta ang ating Bela’s Restaurant?”

 

“Ayos lang din. Tinutulungan ako ni Janine. Bukod sa maganda, napakabait at napakasipag niyang bata. Kung buhay ang anak natin, siguro katulad din niya.”

 

Binitawan ni Bernard ang libro at saka humarap sa asawa.

 

“Angela sweetheart, huwag mong masyadong ibuhos ang loob mo sa kanya. Hindi siya si Bela. Hindi siya ang anak natin.”

 

“Alam ko.” pagkasabi niyon ay inalis ni Angela ang yakap sa asawa at saka tumalikod ng higa.

 

Ramdam ni Bernard ang pagtatampo nito kaya’t niyakap niya ito mula sa likuran.

 

“Sweetheart, I’m sorry. Pero sana maging sapat na ‘yung ikaw at ako.”

 

Hindi kumibo si Angela pero idinantay na rin niya ang kamay sa kamay ni Bernard na nakayakap sa kanya.

 

Hatinggabi nang maalimpungatan si Angela. Naisipan niyang bumangon at magtungo sa kusina upang uminom ng tubig. Nadaanan niya si Janine na nakaupo sa ikalawang baitang ng hagdanan sa pintuan ng bahay ni Lola Corazon. May kausap ito sa cellphone.

 

“Kung hindi mo na kaya, umalis ka na riyan. Hindi na uso ‘yung langit at lupa na love story, tapos happily ever after ang ending.” Ani Janine sa kausap niya sa cellphone.

 

“O pa’no. matutulog na’ko ha. Maaaga pa kasi akong gigising bukas. Kailangan mas mauna akong magising kay Lola Corazon. Saka tutulong pa’ko kay Ma’am Angela sa restaurant nila.” Pagkasabi niyon ay ibinaba na ni Janine ang cellphone.

 

Kinabukasan. Habang nagba-bake sila sa restaurant ay inusisa ni Angela si Janine tungkol sa kausap niya.

 

“Sino nga palang kausap mo kagabi? Nadaanan kasi kita pagpunta ko sa kusina.”

 

“Ah, si Andrea po ‘yon. Pinakamalapit kong kaibigan. Hindi siya nakatapos ng pag-aaral kasi namatay sa car accident ang mga magulang niya. Kasambahay po siya ngayon.”

 

“Ah gano’n ba…”

 

“May gusto po siya sa amo niyang binata. Kaso ang sungit sungit naman daw po sa kanya kaya sabi ko huwag na siyang umasa para hindi na lang siya masaktan. Kaso mukhang mahal talaga niya yung ulupong na ‘yon.”

 

Napangiti si Angela.

 

“Alam mo bang ganoon din ang love story namin ni Bernard?”

 

“T-Talaga po?”

 

“Oo Janine. Dati namang mabait sa akin si Bernard. Kaya lang nakagawa ako ng kasalanan noon sa kanya kaya ayun, nagbago siya ng pagtrato sa akin. Halos isumpa niya ko. Pero heto kami ngayon, pinatibay ng panahon at pagmamahal namin sa isa’t isa.”

 

“Ma’am, pwede po bang ikuwento nyo sa akin ang buong love story nyo?”

 

“Sige. Pero mamaya na. Doon tayo sa garden ni lola magkuwentuhan habang nagkakape, okay ba ‘yon?”

 

“Okay na okay po, mahilig din po akong magkape eh!”

 

Samantala. Habang nasa opisina’y kausap naman ni Bernard si Marcelo na ngayon ay chief of police na.

 

“May bagong lead na naman tayo Bernard. May nakausap akong survivor mula sa trahedya. May nailigtas daw siyang bata noon na tumutugma rin sa description ni Bela. Kaya lang ipinasa raw niya ito sa isang babae dahil may iba pa siyang tinutulungan nung mga sandaling ‘yon.”

 

“Oh thank God! Saan at paano natin makakausap ‘yung babae?”

 

“Iyan ang aalamin pa namin.”

 

“Salamat Marcelo. Pero mas makakabuti kung huwag na lang muna natin itong banggitin kay Angela. Ayokong umasa na naman siya at mabigo.”

 

“Okay. No worries.”

 

(ITUTULOY)

Other News
  • 10 arestado sa P292K shabu sa Valenzuela

    NASAMSAM sa sampung hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang halos P.3 milyon halaga ng shabu matapos maaresto sa magkakahiwalay na drug operation ng pulisya sa Valenzuela City.     Ayon kay P/Lt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valennzuela police, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang matimbog ng mga operatiba […]

  • YASMIEN, ipinakita sa vlog ang reunion nila ng dating ka-loveteam na si RAINIER

    KINILIG ang maraming netizens sa naging reunion nila Yasmien Kurdi at Rainier Castillo.     Sa YouTube vlog ni Yasmien, nagkita ulit ang dating loveteam sa isang rehearsal ng All Out Sundays.      Pinagtambal sina Yasmien at Rainier pagkatapos ng first season ng StarStruck noong 2004 kunsaan sila ang tinanghal na First Prince and […]

  • LRT 1 expanded Baclaran depot nagkaroon ng inagurasyon

    NAGKAROON ng inagurasyon noong Miyerkules ang expanded na Light Rail Transit Line 1 Baclaran depot na isa sa mga vital components ng LRT 1 Cavite extension project.       Kasama ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa inagurasyon sila Japanese Ambassador Koshikawa Kazuhiko, Light Rail Manila Corp. (LRMC) president at CEO Juan […]