• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Philippine Pediatric Society, may paalala sa mga magulang ukol sa iba pang bakuna na kinakailangan ng mga bata

PINAALALAHANAN ng Philippine Pediatric Society ang mga magulang na huwag ding kalimutang paturukan ng iba pang kinakailangang bakuna ang kanilang mga anak.

 

 

Ito’y sa kabila ng nagpapatuloy ngayon na vaccination effort ng gobyerno para sa mga batang 5 to 11yo.

 

 

Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni Infectious Disease Expert Chairman for Vaccination ng Philippine Pediatric Society Dr Timmy Gimenez, may iba pang mga vaccine preventable diseases na dapat na maibigay sa mga bata na kailangan ding mabigyang pansin ng mga magulang o ng mga guardians ng bata.

 

 

Ani Gimenes kabilang sa mga ito ang bakuna kontra tigdas, diphtheria, tetanus,  hepatitis B, polio, influenza at maraming iba pa.

 

 

Mababa aniya ang national immunization coverage rates nito kayat tinututukan din ng Health Dept ang pagpapaigting ng pagbabakuna para dito upang matiyak ang proteksyon at maayos na kalusugan ng mga batang hindi pa nakatatanggap ng mga naturang vaccine.

 

 

Wala rin aniyang babayaran at libre lamang ang pagpapaturok ng mga bakunang ito para sa mga bata bastat dalhin lamang ng mga magulang ang kanilang mga anak sa mga health center na nasa ilalim ng kani-kanilang lokal na pamahalaan. (Daris Jose)

Other News
  • 45 BI personnel, sinibak sa serbisyo

    IKINATUWA ng Malakanyang ang naging desisyon ng Office of the Ombudsman na tuluyan nang sinibak sa serbisyo ang lahat ng tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na nasangkot sa kontrobersyal na “Pastillas Scheme” na siyang sinasabing dahilan sa pagdami ng mga ilegal na Chinese na nakapasok sa Pilipinas.     Sa isang kalatas, sinabi ni […]

  • Paglilinis ng mga nitso sa Maynila hanggang Oktubre 25

    HINIKAYAT ni Manila Mayor Honey Lacuna ang publiko na agahan ang paghahanda para sa nalalapit na paggunita ng Undas.     Ayon kay Lacuna, ang deadline para sa paglilinis ng mga puntod at nitso ay hanggang sa Oktubre 25, 2024 o anim na araw pa bago ang Nobyembre 1 at 2.     Kasabay nito, […]

  • 2 most wanted persons, timbog sa Caloocan

    NALAMBAT ng pulisya ang dalawang most wanted persons sa isinagawang magkahiwalay na manhunt operations sa Caloocan City.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-6:30 ng hapon ng magsagawa ng pagsisilbi ng arrest warrant ang mga tauhan ng IDMS – Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni P/Major Jeraldson Rivera […]