• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaya nahuhusgahan ng netizens: JULIANA, gumawa ng parody video na kinokontra ang naging pahayag ni ANGELICA

MAY nakahalungkat ng Facebook post dati ng komedyante na si Juliana Parizcova Segovia na gumawa ng parody video ni Angelica Panganiban, with Darryl Yap as director.

 

 

Nahuhusgahan si Juliana ng mga netizens dahil sa parody video niya kunsaan, walang duda naman na kinokontra niya sa kanyang content ang mga naging pahayag ni Angelica in-terms of choices sa dapat piliin ngayong election.

 

 

May Facebook post si Juliana noong October 8, 2021 kunsaan, nakasuot ito ng pink na gown at may hashtag pa na “Let Leni Lead 2022” at naka-tag pa sa @bise_leni.  At ang caption niya, “Trust the magic of new beginnings. Pink is not just a color, it’s an attitude.”

 

 

Ilan sa mga comments sa komedyante at tinawag itong cloutchaser, pera-pera.

 

 

“Magkano?”

 

 

“Pera-pera na lang? aano

 

 

“Sino ba talaga teh? Hirap sayo lagi kang nakikihype. Pati nung kay Brenda sa PBB naki-cry ka for her to get out. Pa-relevant masyado. #cloutchaser”

 

 

“Walang wala na yata si akla kaya kahit dignidad binenta na din. Kawawa ka naman.”

 

 

Pero itinanggi nito na bayad o nagpabayad siya. Kaya may nag-comment pa rin na, “Perfect example ng Shunga for Free. Buti pa mga DDS/Apologist nag Bagong Buhay na may character development, ito si Accla di na nga bayad Tanga pa For Free.”

 

 

Naku, sa panahon pa naman ngayon, nawawala talaga ang kredibilidad ng walang paninindigan o stand na totoo.

 

 

***

 

 

NGAYONG pandemic, parang nauso sa mga celebrities ang nagpapakasal na surprise na lang.

 

 

Ilan na rin ang bigla na lang malalaman sa kanilang mga social media accounts na kasal na pala sila.

 

 

Ang latest nga, ang Kapuso actor na si Kristoffer Martin sa kanyang eight years girlfriend at ina ng kanyang anak na si AC Banzon.

 

 

Ikinasal ang dalawa sa Capas, Tarlac noong February 3 at ang naging Presiding officer ay si Mayor Reynaldo L. Catacutan. Taga-Olongapo talaga sina Kristoffer pero, tatay raw kasi ng bestfriend ng actor ang Mayor kaya rito na rin sila nagpa-civil wedding.

 

 

Bilang na bilang lang ang present sa wedding, mostly are their best friends at ang limang taong anak nila na si Precious Kristin.  Wala ang mga magulang nila dahil takot pa rin sa COVID-19 pero may blessing naman daw ng mga ito ang pagpapakasal  ng mga anak.

 

 

Naging open sa publiko ang nangyari sa relationship ni Kristoffer sa kanyang non-showbiz girlfriend. After niyang lumantad na may 4 years old na silang anak, kasunod nito ay kesyo hiwalay na sila at ang pag-amin naman niya ng relasyon nila ng co-star sa Babawiin Ko Ang Lahat sa Akin na si Liezel Lopez.

 

 

Pero siguro nga, ‘yung seven years na relationship nila ng Misis na ngayon plus may anak pa sila, ending, nag-break din agad sina Kristoffer at Liezel at nagkabalikan sila ni AC. At months after, ‘eto na at nagpakasal na.

 

 

Sana lang ay totoong may forever na nga sa kanilang dalawa at mas maging matatag pa sila ngayong mag-asawa na.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Task force COVID-19 head Defense Sec. Lorenzana, nagpositibo sa COVID

    Kinumpirma ngayon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagpositibo rin siya sa COVID-19.     Sa kanyang statement nitong Martes ng gabi iniulat ni Lorenzana, na siya ring head ng National Task Force against COVID-19, lumabas daw sa resulta ng kanyang RT-PCR test na siya ay positibo.     Dahil dito, pansamantala munang sasailalim sa […]

  • ANDREA, naglitanya at wala nang paki kay DEREK dahil matagal nang naka-move-on

    NAGKAKAROON ng diskusyon o palitan ng kuro-kuro ang netizens na pumapanig sa Kapuso actress na si Andrea Torres at may mas pinapaboran si Derek Ramsay, kasama na rin ang fiancée nito na si Ellen Adarna.     Katulad nga ng naisulat namin dito, babasagin na rin ni Andrea ang kanyang katahimikan sa last year’s break-up […]

  • Metro Manila mayors humirit na rin ng Alert Level 4

    DAPAT paghandaan na ang posibilidad na maitaas sa Alert Level 4 ang Metro Manila sa susunod na mga araw, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).     Sinabi kahapon ni Atty. Crisanto Saruca, head ng Metro Manila Council Secretariat, na posibleng maglabas ng resolusyon hinggil sa pagsasailalim sa  Alert Level 4.     “….magkakaroon […]