Bayanihan, Bakunahan muling ikakasa sa Pebrero 10 at 11
- Published on February 7, 2022
- by @peoplesbalita
MULING aarangkada ang ikatlong National Vaccination day sa bansa.
Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje na sa darating na sa darating na Pebrero 10 at 11 ay muling aarangkada ang Bayanihan, Bakunahan.
Ani Usec Cabotaje, maliban sa mahalagang mabigyan ng proteksiyon ang mga hindi pa bakunado para sa ikatlong Pambansang Bakunahan ay prayoridad din na mapagkalooban ang mga dapat na makatanggap ng booster shot.
Aniya, target din nila na maitaas ang vaccination rate sa hanay ng nasa A2 at A3 group gayong nananatiling mababa pa rin ang porsiyento ng mga nakatanggap na ng bakuna sa nabanggit na kategorya.
Pumalo lamang aniya kasi sa 60 % ang mga senior at may commorbidities na nabakunahan na at kailangan itong mapataas lalo’t sila ang tinatawag na vulnerable sector. (Daris Jose)
-
Gobyerno, masusing pinag-aaralan ang ekstensyon ng CARS PROGRAM
MASUSING pinag-aaralan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang palawigin o i-extend ang Comprehensive Automotive Resurgence Strategy (CARS) program. Sa pakikipagpulong ng Pangulo sa mga opisyal ng Mitsubishi Motors Corporation sa Tokyo, sinabi ng Chief Executive na habang isinasagawa ang pag-aaral, ang pamahalaan ay “very much of the mind that we […]
-
Angelo Nicolas Almendras, NU Bulldogs lumapit sa walis-titulo
UMANGAS si Angelo Nicolas ‘Nico’ Almendras upang akbayan ang National University sa 25-19, 25-21, 25-19 panalo kontra University of Santo Tomas sa Game 1 best-of-three finals ng 14th V-League 2022 Men’s Collegiate Challenge Linggo ng hapon sa Paco Arena sa Maynila. Tumikada si Almendras ng 13 points kasama ang 14 excellent receptions para isampa […]
-
Piolo Pascual and Jasmine Curtis-Smith Star in the R-rated Drama Thriller “Real Life Fiction”
PIOLO Pascual and Jasmine Curtis-Smith pair up in Black Cap Pictures’ intense drama thriller Real Life Fiction. Directed by Paul Soriano and shot during the height of the pandemic, the movie delves into the abyss of an actor’s mind as he loses bits of his sense of self after years of […]