• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, nakatanggap ng 442K respirator masks mula Canada

NAKATANGGAP ang Pilipinas ng 442,000 respirator masks mula sa Canadian government .

 

 

Ang nasabing dami ng respirator mask ay first tranche mula sa 837,000 respirator face masks na bigay ng Canadian government sa Department of Health (DOH) bilang pagsuporta sa health care workers na nangunguna sa paglaban sa coronavirus pandemic.

 

 

Nagkakahalaga ito ng P136 milyong piso.

 

 

Araw ng Biyernes, pinangunahan ni Canadian Ambassador to the Philippines, Peter MacArthur, ang pag-hand over ng first tranche na 442,000 masks sa DOH headquarters sa Maynila.

 

 

Noong Setyembre 2020, nag-turned over din ang Canada ng 120,000 N95 masks sa DOH.

 

 

“Canada is collaborating closely with the government of the Philippines and regional partners in the fight against Covid-19,” ayon kay MacArthur nang isagawa ang turnover ceremony.

 

 

“Our collaboration includes close engagement with the Association of Southeast Asian Nations (Asean) and its member states to support a coordinated and multilateral effort aimed at limiting and ending the pandemic,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ang masks ay ibinigay sa pamamagitan ng pagtutulungan sa pagitan ng Canadian government, Asean Secretariat, at Asean member states upang pagaanin ang biological threats.

 

 

Simula pa 2013, ang mga partidong ito ay nagtutulungan na upang palakasin ang biological security, biological safety, at disease surveillance capabilities sa rehiyon.

 

 

“Building on this longstanding partnership, Canada has provided additional support to Asean partners to combat the Covid pandemic. This includes donating nine and a half million units of personal protective equipment, non-medical masks to the Asean Secretariat and seven member states, including the 837,000 masks for the Philippines,” ayon kay MacArthur. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Big Three’ ng Warriors papagitna sa NBA finals

    SA MULING pagkakabuo ng tatluhan nina Stephen Curry, Draymond Green at Klay Thompson ay mahirap talunin ngayon ang Golden State Warriors sa NBA Finals.     Naghari noong 2015, 2017 at 2018, hangad ng Warriors na muling makamit ang NBA championship sa pagsagupa sa Boston Celtics simula sa Game One bukas (Manila time) sa San […]

  • 2 kelot arestado sa pagnanakaw ng cellphone sa Navotas

    BINITBIT sa selda ang dalawang kelot matapos arestuhin ng pulisya makaraang ireklamo ng pagnanakaw ng cellphone sa Navotas City.     Kasong paglabag sa Art 308 of RPC (Theft) ang isinampa ng pulisya laban sa mga naarestong suspek na sina alyas Ronel, 18, at alyas Emir, 20 kapwa resident ng lungsod.     Sa imbestigasyon […]

  • PNP: Pamilya ng broadcaster na si Percy Lapid ‘binabantaan na rin ang buhay’

    INIUTOS na ni Philippine National Police chief Rodolfo Azurin Jr. na paigtingin ang seguridad ng pamilya ng pinatay na radio broadcaster na si Percy Lapid (Percival Mabasa) sa dahilang nakatatanggap na rin sila ng death threats.     Ito ang ibinahagi ni Azurin, Martes, sa panayam sa kanya ng ANC ilang araw matapos maisama sa […]