Lock-in shooting nila ni ALDEN, naudlot na naman: BEA, may gagawin ding American movie na isu-shoot sa Panay Island
- Published on February 7, 2022
- by @peoplesbalita
NAG-RELEASE na ng official statement ang actor na si Diether Ocampo tungkol sa aksidente niya last February 3, 2022.
Ayon kay Diether, “I had a long and exhausting meeting which lasted until almost midnight. As I was driving home, I figured in a vehicular accident involving my SUV and a truck.
“I am relieved that no one else got hurt and I apologize for any inconvenience I may have caused due to the unfortunate accident, especially to the other party. I am extremely grateful that I emerged unscathced except for a bump in the head and some bruises. I am very thankful for God’s continuous mercy and protection.
“Thank you sincerely to everyone onsite, from the people who called for help, the first responders, and especially to the Philippine Red Cross personnel who rushed me to the hospital.
“I also wish to express my gratitude to the doctors, nurses and staff at the Makati Medical Center for taking very good care of me. I am feeling better now and I have already been cleared to recuperate in private.
“Again, I wish to thank everyone for your prayers and well-wishes.”
***
THANKFUL si Kapuso Primetime Queen Marian Rivea sa mga natanggap niyang gifts from luxury brands na Louis Vuitton and Buccellati.
Hindi naman kataka-taka na makatanggap ng special gifts si Marian mula sa luxury brands na pina-patronize niya. May collection kasi si Marian ng designer items na tulad ng bags, shoes, clothes, and jewelry.
Ipinakita pa ni Marian sa IG stories niya ang pagbubukas niya ng box, mula sa famous French brand na Louis Vitton, na naglalaman ng classic monogram blanket (na kung titingan sa LV’s website, ang price nito ay USD1,510 or equivalent sa PH77,081.72).
Marian wrote sa kanyang post: “Muchas Gracias…@louisvuitton.”
“One of the world’s most renowned high jewelry houses naman ang Buccellaltti, na nagsimulang gumawa ng ‘one of a kind jewels and watches since 1919.’ May kasama pa itong book titled: “Buccellatti: A Century of Timeless Beauty.”
Nagpasalamat si Marian sa brand at sa co-creative director nitong si Lucrezia Buccellati Wildenstein: “Thank you @buccellattimilan for this gift! Loved going through the pages of this beautiful book @lucreziabuccellati.”
***
PAREHO pang nagtatapos sina Kapuso actress Bea Alonzo at Asia’s Multimedia Star Alden Richards ng mga TV commercial shoots ng kanilang mga endorsements, solo or magkasama silang dalawa, bago sila sumabak sa lock-in shooting.
Wala pa naman silang definite schedule ng simula ng shoot ng movie nilang gagawin na co-production venture ng Viva Films, GMA Network at APT Entertainment kaya tamang-tama naman na matatapos muna nila ang mga nauna nilang commitments.
Tulad ni Alden, bigla ngang dumating ang offer na endorsement ng isang brand ng cellphone na dati na niyang na-endorse, now kasama na niya ay isa sa paborito niyang actress.
At may TVC shoot din siya ng isang product na na-endorse na niya dati with a Viva Films actress pero ngayon ay nag-renew muli sa kanya na si Bea naman ang kasama niya.
Meanwhile, abala rin ngayon si Bea sa paggawa ng mga new episodes ng vlog niya, dahil hindi na niya magagawa ito kapag nag-lock-in shoot na siya.
May gagawin ding American movie si Bea, Angel Warrior, based on real World War II story, to be written by Bruce McKenna and John Fusco, na isu-shoot sa Panay Island this year, a production venture by Inspire Studios.
(NORA V. CALDERON)
-
Middle class may bawas tax
MAKAKAGINHAWA na sa susunod na taon mula sa pagbabayad ng buwis ang mga middle class. Paliwanag ni Sen. Sonny Angara, na mananatiling chairman ng Senate committee on Finance, magbebenepisyo sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law (TRAIN Law) o Republic Act No. 10963 ang mga middle class tulad ng mga guro, ordinaryong […]
-
Pagbabalik ng NCAP, inihihirit ng MMDA
NANANAWAGAN ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na muling ipatupad ang ‘No Contact Apprehension Policy’ (NCAP). Ayon kay MMDA acting chairman Don Artes, lumala ang maraming mga paglabag partikular ang ilegal na paggamit ng mga motorista sa EDSA bus lane simula nang masuspinde ang NCAP. Umaasa rin si Artes na kaagad […]
-
Ads June 8, 2024