• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, hindi magdadalawang-isip na sibakin ang mga suspendidong govt officials

HINDI magdadalawang-isip si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sibakin sa puwesto ang mga opisyal ng pamahalaan na sinuspende sa serbisyo ng Tanggapan ng Ombudsman.

 

Sa public address ng Chief Executive, Martes ng gabi ay binalaan nito ang mga suspended government officials na huwag nang gumawa ng panibago pang kasalanan kahit ito’y simpleng ‘neglect of duty’ dahil siguradong sibak sa puwesto.

 

‘Next time, I will dismiss you from the service. All of you who are suspended, the next time you have [a case] of even simple neglect of duty or whatever, if it falls as a ground for dismissal, I will have you removed,” ayon sa Pangulo.

 

“Do not ever think you are indispensable,” dagdag na pahayag nito.

 

Ipinaalala pa ng Pangulo sa mga suspendidong opisyal ng gobyerno na napakaraming Filipino na nakapagtapos ang “competent and honest” na hanggang sa kasalukuyan ay walang trabaho.

 

“So, all of you in government, take care of your position. Do not allow even a dent of [an] anomaly.”

 

I’m telling you: I’m going to be stricter now until the end of my term… There are many Filipinos who are just waiting, who are civil service eligible. There are many of them who I can replace you with.” diing pahayag ng Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • Matatanda, PWDs isama sa rekomendasyon na pagbibigyan ng executive clemency

    NANANAWAGAN ang isang mambabatas sa Department of Justice (DOJ) na ikunsidera ang pagbibigay prayoridad sa mga matatanda, may sakit at persons with disabilities (PWDs)  sa pagrerekomenda nang pagbibigyan ng executive clemency sa mga bilanggo ngayong panahon ng kaaskuhan.     Ginawa ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan ang panawagan kasabay nang pagbibigay suporta […]

  • CHRISTIAN, parang lalamunin ng lupa sa mga papuring natanggap kay Direk JUN; bet na bet manalong Best Actor

    DIREK Jun Lana reiterated na kung hindi si Christian Bables ang nakuha niya as lead actor ng Big Night ay hindi niya itutuloy ang pelikula.     Magkasamang nanonood sa press preview ng movie sina Direk Jun at Christian.     Ginagawa pa lang kasi ni Direk Jun ang script ng Big Night ay si Christian na ang gusto […]

  • Balik-eskwela’t sports ng MILO Philippines

    PANDEMYA ang sanhi sa naantalang pisikal na mga klase at kanselasyon ng mga aktibidad sa sports sa bansa.     Kaya lahat ng mga estudyante nananatili na lang sa kanilang mga tahanan at gumugol nang mahabang oras sa mga laptop at mobile phone.     Nagbalik na ang milyong mga mag-aaral sa mga klaseng magkakaharap, […]