• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Suspek sa pagpatay sa opisyal ng HPG, nasa Camp Crame na

SUMUKO na ang driver ng negosyanteng nakaengkuwentro ng mga tauhan ng Cavite Provincial-Highway Patrol Team na ikinamatay ng isang opisyal at ng suspek matapos silang sitahin dahil walang plaka ang sinasakyang Nissan Terra sa Manila -Cavite Road Barangay 8, Pulo 3, Cavite City.

 

Ang suspek na dinala kaninang umaga ng mga tauhan ng SOD- HPG sa Camp Crame Quezon City sa pamumuno ni PCMS Edison Manocum ng Cavite City-PNP ay kinilalang si Reymundo de Leon Suniga, 34, tubong Barangay Salomague, Bugallon, Pangasinan.

 

Matatandaan na nitong November 6, 2020 habang nagsasagawa ng Anti-Carnapping Operation ang mga miyembro ng Cavite Provincial Highway Patrol Team ay namataan nila ang Nissan Terra ng mga suspek na walang plate num- ber at conduction sticker.

 

Sinita ng mga pulis ang mga suspek at hinanapan ng dokumento ng sasakyan subalit nagpakilalang mga Navy.

 

Nang walang maipakitang dokumento ang mga suspek, kaagad na pinaputukan ng napatay na suspek na si Methusael Brown Cebrian ang mga tauhan ng HPG gamit ang isang caliber 5.56 Bushmaster.

 

Namatay noon din PCMS Julius Arcallas at ikinasugat nina PSSg Emerson Domingo ,P/Capt Eduardo Joy Guadamor at isang bystander na si Eduardo Magbana ng Barangay 8 Pulo 3 Cavite City.

 

Habang kasagsagan ng engkuwentro ay mabilis na tumakas siya.

 

Narekober ang sasakyan ng mga suspek silver gray na Nissan Terra na mayroon nang plaka na F2 G911 matapos abandonahin ng sumukong driver sa Alabang. (Gene Adsuara)

Other News
  • SHARON, nag-negative sa COVID test habang nag-positive si Sen. KIKO; buong pamilya naka-isolate na

    SA IG post ni Megastar Sharon Cuneta na may nakalagay na ‘Make Today Happy’ sa photocard, ipinaalam niya na negative siya sa COVID test habang nag-positive nga si Sen. Kiko Pangilinan.     Caption niya, “somehow. Last night, I tested negative on my Antigen. Kiko tested positive on his PCR test results. This morning, all […]

  • Pagpapasara sa POGOs maraming sektor ang maaapektuhan

    NAGBABALA si Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) chairman at Chief Executive Officer (CEO) Alejandro Tengco na maraming sektor ang maaapektuhan sa pagsasara ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs).     Inihayag ni Tengco na hindi basta-basta ang pinagdadaanan ngayon ng mundo kabilang ang Pilipinas na nakakaranas ng krisis dahil sa digmaan ng Ukraine at […]

  • Asian Games ililipat sa 2023?

    POSIBLENG makansela ang 2022 edisyon ng Asian Games na idaraos sa Hangzhou, China sa Setyembre 10 hanggang 25.     Ito ang usap-usapan sa China kung saan pinag-aaralang ilipat na lamang ito sa susunod na taon.     Nais ng mga organi­zers na ipagpaliban muna ito dahil mainit pa rin ang coronavirus disease (COVID-19) sa […]