• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Sitwasyon sa mga ospital, babantayan muna bago ilagay sa Alert Level 1 ang NCR’

HINDI pa masabi sa ngayon ng Department of Health (DOH) kung ligtas na bang ilagay sa ilalim ng Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR).

 

 

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, susuriin pa nila ang mga “safe places” at mga sitwasyon sa ospital sa NCR bago magdesisyon hinggil sa pagluluwag ng restrictions sa rehiyon.

 

 

Ito ay kahit pa nakikita naman aniya nila na magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) cases hanggang sa ikalawang linggo ng Marso.

 

 

Iginiit ni Vergeire na hindi pa rin ito sapat para babaan ang alert level sa Metro Manila.

 

 

Pebrero 7, sinabi ng infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante na “premature” pa para luwagan ang COVID-19 community quarantine sa Metro Manila mula sa kasalukuyang Alert Level 2 na tatagal hanggang Pebrero 15.

 

 

Talamak pa rin kasi aniya sa ngayon ang hawaan kaya kailangan pa ring maging mapagmatyag sa lahat ng oras.

 

 

Mababatid na sa ilalim ng Alert Level 1, magiging mas maluwag pa lalo ang galaw ng publiko kahit pa mayroon pa ring restrictions sa ilang mga aktibidad o mga lugar na sarado at masikip. (Gene Adsuara)

Other News
  • Isko, Lacson, Ka Leody, Sotto tanggap na ang pagkatalo

    NAG-CONCEDE na kahapon ang mga kumandidatong presidente ng bansa na sina Manila Mayor Isko Moreno, Senator Panfilo “Ping” Lacson, labor leader Leody de Guzman at ang tumakbong bise presidente ni Lacson na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III.     Sa pamamagitan ng post sa Twitter, sinabi ni Lacson na pamilya naman niya ang […]

  • Ugnayan ng Pinas-US, “stands on its own”- Amb. Carlson

    SINABI ni United States Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson na walang kinalaman ang anumang bansa lalo na ang China sa commitment ng Estados Unidos na suportahan ang Pilipinas. Ani Carlson, ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at US ay  “stands on its own.” Sa isang panayam sa telebisyon, tinanong si Carlson ukol sa kung […]

  • Simpleng tax rules para sa work-from-home business process outsourcing

    IDINIIN  ni House ways and means panel chair Rep. Joey Salceda ang kahalagahan ng “mas simple at mas malinaw na mga patakaran sa buwis” sa gitna ng napipintong paglilipat ng mga BPO sa Board of Investments (BOI).     Aniya, dapat gawing “mas simple” ng gobyerno ang mga patakaran sa buwis para sa mga kumpanya […]