• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COMELEC AT E-MONEY TRANSFER WALA PANG KASUNDUAN

SINABI ng Commission on Elections (Comelec)  nitong  Peb. 8, na wala pang konkretong kasunduan sa mga e-money transfer companies para masubaybayan ang mga aktibidad sa pagbili ng boto.

 

 

Gayunman, sinabi ni  Comelec Spokesperson James B. Jimenez na ang  poll body ay sinusubukang gawin ang isang bagay sa usaping ito.

 

 

“Wala pa tayong (We still have no) concrete agreements with different wallets but we’re trying to get something done,” sabi ni Jimenez sa online press briefing.

 

 

Ang problema sa pagsubaybay sa mga  e-money transfers, ayon kay Jimenez, ay medyo mahirap ayusin ang katotohanan na halos walang patunay sa naturang maling gawain

 

 

“How can you prove that your particular use of an e-wallet is for criminal purposes,” wika nito.

 

 

Binanggit din ni Jimenez na ang pagbibigay ng pera sa isang sulok ng kalye ay ibang senaryo sa e-payment.

 

 

“It’s a little trickier so the problem there is to first define the criminal activity,” sabi pa ni Jimenez.

 

 

“When you are talking about e-payment systems, that’s still very complicated. We’re still working on it,” dagdag nito

 

 

Ang e-money transfer ay naging talamak sa panahon ng pandemya  kung saan ilang pamahalaang lokal din ang gumamit ng e-money transfer para mamahagi ng ayuda.

 

 

Sinabi pa ni Jimenez na ang depinisyon ng vote-buying ay talagang nagsasabi na iyon ay ang pagpapalitan ng halaga para sa pangako ng isang boto

 

 

“Traditionally, vote-buying is considered to be an Election Day activity, or if not Election Day itself, then definitely in close proximity to the day of elections,”

 

 

“But please remember that the definition of vote-buying does not specifically state that it only happens… days before elections.” pahayag pa ni Jimenez.

 

 

Sinabi ng tagapagsalita ng poll body na kung ang pagbili ng boto ay ginawa sa panahon ng halalan, “kung gayon ito ay maaaring maisip na isang posibleng paglabag sa pagbili ng boto.” (GENE ADSUARA)

Other News
  • BRITNEY SPEARS, engaged na sa longtime boyfriend na si SAM ASGHARI

    ENGAGED na ang pop superstar na si Britney Spears sa kanyang longtime boyfriend na si Sam Asghari.   Nangyari ang proposal ni Sam pagkatapos magwagi si Britney sa kanyang pinaglalaban na freedom mula sa conservatorship ng kanyang amang si Jamie Spears. Nag-file last week si Jamie ng petition sa korte para maalis na siya bilang […]

  • San Miguel umeskapo sa Blackwater sa overtime

    HINDI inasahan ng San Mi­guel na mahihirapan si­lang iligpit ang Blackwater.     Kinailangan ng Beermen ng extra period para lu­sutan ang Bossing, 110-107, at patuloy na solohin ang liderato ng 2022 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.     Umiskor si six-time PBA MVP June Mar Fajardo ng anim sa kanyang 25 […]

  • ‘Talagang may death squad ako noon’ – Ex-Pres. Duterte

    INAMIN ni dating pangulong Rodrigo Duterte na inutusan niya ang mga dating hepe ng Philippine National Police na hikayatin ang mga suspected criminals na lumaban at kapag kumasa ay doon patayin.     Ito ang isiniwalat ni Duterte sa imbestigasyon ng Senate blue ribbon subcommittee hinggil sa madugong war on drugs noong nakaraang administrasyon.   […]