• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TONI, nag-resign na bilang main host ng ‘PBB’ at ipinasa kay BIANCA

SUMABOG na ang galit lalo na ng mga Kapamilya employees at Kapamilya staff, maging ang ilang mga netizens dahil sa lantarang pagsuporta na ni Toni Gonzaga sa kandidatura ng kanilang ninong na si Bongbong Marcos, plus of course, kay Mayor Sara Duterte.

 

 

Kitang-kita naman sa mga Instagram stories na pinost at ni-repost ni Toni kung gaano siya ka-proud na maging host ng campaign rally ng BBM-Sara.

 

 

Kung paano ipinakilala ni Toni si Rodante Marcoleta na siyang nag-push ng franchise denial ng ABS-CBN. Tinatawag si Toni na “ingrata,” “fake preacher” “duling” at iba-iba pa.

 

 

Naglalabasan na rin ang mga personal experiences ng iba kay Toni na ‘di-kagandahan. At halos karamihan, nagre-request na i-cancel na ito ng ABS-CBN, particular na bilang main host ng Pinoy Big Brother (PBB).

 

 

At mukhang wish granted, si Toni na raw ang nag-resign bilang main host ng PBB at ipinapasa na raw nito kay Bianca Gonzales. 

 

 

Anyway, base sa mga nire-repost ni Toni, kini-claim niya na she’s the “unbothered queen.” ‘Yun nga lang, hindi rin maitatanggi na kahit siyempre, suportado siya ng mga katulad niyang BBM-Sara, “mukhang pera” ang tingin sa kanya ng ibang netizens.

 

 

***

 

 

ANG panganay na anak ng Kapuso Primetime King & Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia Dantes ay isa na rin sa mga batang anak ng celebrities na nagpa-vaccine anti-COVID.

 

 

Kasama na nga si Zia sa listahan ng mga celebrity kids na nang mag-open na ng vaccination sa edad 5-11 ay mga unang ipinila na rin ng mga magulang.

 

 

Si Dingdong ang kasama ni Zia nang magpa-booster ito. Natutuwa rin ang mga netizens dahil given naman daw ang pagka-hands on mommy ni Marian sa dalawang anak na sina Zia at Sixto.

 

 

Pero ‘yung makita kung paano may time talaga si Dingdong sa mga anak bukod nga sa pagsama rito sa pagbabakuna, ‘yung mga lumalabas din sa social media na playtime niya sa dalawa.

 

 

Anyway, siguradong malaking influence rin lalo na sa mga magulang na takot pang bakunahan ang mga anak nilang bata na makitang ang mga artista nga ay hindi natakot na gawin na ito sa mga anak nila.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Ads February 2, 2022

  • ‘Matigas talaga ulo ko’: Paalam sure medal winner na sa Olympics kahit na-headbutt

    Siguradong makapag-uuwi ng medalya mula sa 2020 Tokyo Olympics ang isa pang Pinoy na atleta — sa pagkakataong ito, sa larangan ulit ng boksing.     Natalo kasi ng Pinoy boxer na si Carlo Paalam ang reigning Olympic champion na si Shakhobidin Zoirov (Uzbekistan), dahilan para dumiretso siya sa semifinals sa Huwebes. Dahil dito, bronze […]

  • Humanga ang mga netizens sa ginawa: INA, nakipagsabayan kay MICHAEL at ‘di nagpatalo sa sakit

    IBA rin ang professionalism at pagmamahal sa trabaho ni Kapuso actress Ina Feleo.       Gumaganap si Ina bilang isang mahusay na coach ng figure ice skating sa first ice skating serye on TV, ang “Hearts on Ice” na tampok si Ashley Ortega na isa ring figure skater bago siya nag-artista, at si Xian Lim, […]