• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gerald Anderson, nabiktima ng ‘Basag-Kotse’ Gang

NABIKTIMA ang aktor na si Gerald Anderson ng mga notor­yus na miyembro ng ‘Basag-Kotse gang’ matapos na atakihin ang kanyang sports utility vehicle (SUV) at tangayin ang kanyang mga bag na naglalaman ng kanyang mahahalagang gamit, habang nakaparada sa tapat ng isang gym sa Quezon City, kamakalawa.

 

 

Batay sa report ng National Bureau of Investigation (NBI), sa inilabas na footage ng closed-circuit television ca­mera sa lugar, kitang-kitang ang pagdating ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo, malapit sa nakaparadang sasakyan ng aktor.

 

 

Kaagad na bu­maba ang angkas ng motorsiklo, sinilip ang loob ng sasakyan, at binasag ang bintana ng itim na SUV at tinangay ang isang bag na malapit sa pintuan.

 

 

Paalis na sana ang dalawa, gayunman, nang walang taong lumabas mula sa gym ay bumalik pa ang suspek at kinuha pa ang isang bag na nasa driver’s seat naman.

 

 

Kaagad na tumakas ang dalawang suspek, na sinusundan ng isa ring lalaking lulan ng motorsiklo, na nagsilbing lookout.

 

 

Ayon ay NBI-Special Action Unit (SAU) executive officer Kristine Dela Cruz, ­unang naaresto ang isa sa mga suspek  na nakilalang si John Allen Dancel, alyas Elong, matapos siyang matunton ng mga awtoridad sa isinagawang follow-up investigation at operations.

 

 

Inamin umano ni Dancel na siya mismo ang bumasag sa salamin ng sasakyan ni Anderson at tumangay sa mga gamit nito.

 

 

Binuksan din umano niya ang email account ni Anderson mula sa nanakaw nitong laptop at in-accessed ang crypto wallet ng aktor at saka nag-transfer ng P50,000 sa kanyang GCash account.

 

 

Nilinaw naman niya na hindi nila tinarget ang sasakyan ng aktor at natukoy na lamang na sasakyan pala niya ang kanyang nabasag nang makita ang kanyang pitaka sa kanyang bag. Narekober din ng mga awtoridad ang mga motorsiklong ginamit sa pagnanakaw ng mga suspek sa Tondo kung saan naka-base ang grupo.

 

 

Nabawi rin umano nila ang isang bag, dalawang relo at mga gadget ng aktor.

 

 

Gayunman, hindi pa rin narerekober ng mga awtoridad ang pitaka, mga identification (ID) card at passport nito.

 

 

Sa pagkakahuli naman kay Dancel, sumuko rin sa NBI at PNP ang dalawa pang suspek sa krimen, ngunit hindi kaagad natukoy ang pagkakakilanlan ng mga ito.

 

 

Nakatakdang sampahan ng kaso ang mga nadakip na suspect. (Daris Jose)

Other News
  • Balanseng training susi ng Creamline

    TAGUMPAY na nairaos ng Sports Vision Management Group, Inc. ang 2nd Premier Volleyball League 2022 Open Conference nitong Marso 16-Abril 8 na mga ginanap sa Paco Arena sa Maynila, The Arena sa San Juan City, Mall of Asia Arena sa Pasay at Ynares Center sa Antipolo.     Pinagreynahan ang siyam na koponang torneo ng […]

  • JESSICA, pinupuri sa no holds barred interview sa apat na presidential candidates dahil walang pinalampas na isyu

    THANKFUL ang former child actor na si Miggs Cuaderno na nagkaroon ng book 2 ang Prima Donnas.        He plays the role of Coco in the widely-followed afternoon prime series on GMA.     “Siyempre po masaya kasi kasama pa rin po ako as Coco sa season 2 at makakasama ko po ulit ung […]

  • PBBM nakatutok sa paghina ng piso

    MAHIGPIT  na binabantayan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paghina ng piso laban sa US dollar, ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.     Bagaman at hindi napag-usapan sa isinagawang meeting ng Gabinete ang isyu sa paghina ng piso kontra dolyar, patuloy na nakikipag-ugnayan ang Pangulo sa kanyang economic team.     Naitala noong Setyembre […]