Pacman sa 6-hr creation process ng kanyang wax figure: ‘That’s what makes them so realistic’
- Published on November 12, 2020
- by @peoplesbalita
MAGKAHALONG pagkalibang at pagkagulat ang naramdaman ni Senator Manny Pacquiao sa buong proseso ng paggawa sa kanyang wax figure.
Pahayag ito ni Manny sa nakatakdang launching ng kanyang sariling waxwork mula sa tanyag na wax museum sa Hong Kong.
Ayon sa 41-year-old fighting senator, inakala nito na matagal na ang dalawang oras pero nasagad pa sa anim na oras ang pag-measure sa bawat parte ng kanyang mukha at katawan.
“The Madame Tussauds team made it very fun and they were friendly and they helped me throughout so I was at ease with the whole team,” ani Pacquiao kay Madame Tussauds Hong Kong Marketing Head Bobo Yu.
Nabatid na si Pacman ang unang lalaking Pinoy na ginawan ng wax figure ng Madame Tussauds, bagay na isa aniyang karangalan.
“I really appreciated it. Madame Tussauds Hong Kong is a home to wax figures of cultural icons, superstars, celebrities while being a cultural icon itself,” dagdag ng mister ni Jinkee Pacquiao.
Si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach naman ang pinakaunang Pinay na nabigyan na ng wax statue sa Madame Tussauds noong 2018.
Kabilang na rin sa “pool of Filipino wax figures” si 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray ngunit nakabinbin din ang launching dahil sa coronavirus pandemic.
-
Paggamit ng public resources para sa personal interest, paglabag sa Code of Conduct
PAGLABAG sa Code of Conduct of Public Officials and Employees ang paggamit ng mga awtoridad sa government resources para sa kanilang personal interest. “Ang tanong dyan, pwede bang gamitin ang resources ng ating pamahalaan when clearly, this was a private function that was involved? In my opinion, that is not and should not […]
-
7,000 slots, bukas para sa TNVS application – LTFRB
INANUNSIYO ng Land Transportation Franchising and Regulatory (LTFRB) na basa 6,869 slots pa ang bukas para sa aplikasyon para sa transport network vehicle service (TNVS). Sa kasalukuyan kasi, nasa mahigit 1,000 pa lamang ang natatanggap na aplikasyon ng ahensiya mula ng magsimula ang aplikasyon noong Abril 30. Kaugnay nito, nag-abiso ang […]
-
Biden personal na binisita ang mga nasalanta ng bagyong Milton; $600-M tulong tiniyak
Personal na binisita ni US President Joe Biden ang mga nasalanta ng hurricane Milton sa Florida. Sinabi nito na labis silang nagpapasalamat dahil sa hindi gaano naging matindi ang pinsalang dulot ng bagyo gaya ng inaasahan. Nangako ito na magbibigay ng $600-milyon na tuloy para sa mga naapektuhan ng bagyo. […]