• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GINANG HULI SA PABAHAY SCAM

INARESTO sa isang entrapment operation ang isang 52-anyos na ginang matapos nangikil ng pera sa kanyang biktima kapalit ng isang unit ng bahay sa National Housing Authority (NHA) sa Naic, Cavite Lunes ng hapon sa Naic, Cavite.

 

 

Kasong Estafa thru fraud ang kinakaharap ng suspek na si Jesusa Austral y Queyquet, may-asawa ng Igahara Resort, Brgy., Calubcob, Naic, Cavite dahil sa reklamo ni Cristal Jane Lacsa y Libres, 21, dalaga  at stay in sa  Barracks, Sitio Walong Butas, Brgy., Calubcob, Naic, Cavite.

 

 

Sa ulat ni PSSgt Rodrigo Veloso III ng Naic Police Station, dakong alas-3:16 kamakalawa ng hapon nang inaresto ang suspek sa aktong tinatanggap nito ang bayad para umano sa “prioritization” sa kanyang aplikasyon sa pabahay sa Brgy Ibayo, Silangan, Naic, Cavite.

 

 

Nauna dito, December 28, 2021 nang binigyan ng biktima ang suspek ng P10,000 kapalit ng pangakong magkakaroon siya ng isang unit na bahay ng National Housing Authority (NHA) sa Brgy Calubcob, Naic, Cavite.

 

 

Gayunman, noong January 20 ng kasalukuyang taon nang napadaan ito sa LGU, Naic Cavite at tinanong hinggil sa kanyang aplikasyon ng pabahay at dito niya natuklasan na walang awtorisasyon ang suspek para mag-process nito.

 

 

Nitong February 13, nakipagkita ulit ang suspek sa biktima at humihingi ulit ng karagdagan P6,000 para umano sa prioritization ng kanyang aplikasyon sa NHA. Sinabi ng biktima na tatawagan ito kung magkakaroon siya ng pera.

 

 

Dito na nakipag-ugnayan ang biktima sa pulisya kung saan ikinasa ang entrapment operation sa Brgy Ibayo, Silangan, Naic Cavite kung saan naaresto ang suspek sa aktong tinatanggap nito ang boodle money. (GENE  ADSUARA)

Other News
  • Certificate of Eligibility for Lot Allocation, iginawad ng Malabon LGU sa 147 Malabueño

    IGINAWAD ni Mayor Jeannie Sandoval at ng Malabon City Housing and Urban Developing Department (CHUDD) ang Certificates of Eligibility for Lot Allocation (CELA) sa 147 Malabueño beneficiaries na mga sertipikadong nangungupahan ng mga lupain kung saan nakatayo ang kanilang mga tahanan.     Ang CELA awarding ceremony na ginanap sa Penthouse ng Malabon City Hall […]

  • MARK, inaming private ang issue nila ni LOLIT kaya hindi pwedeng sagutin

    MALAPIT na ang birthday ni Senator Bong Revilla, sa September 25, kaya naman nag-isip na siya ng birthday pasabog and post it na sa kanyang YouTube channel na “Kap’s Amazing Giveaways.”     Isa sa malaking premyo na matatanggap ng winner ay cash worth P 50,000, at marami pa ring malalaking premyo na ipamimigay ang […]

  • Ads May 6, 2022