1 patay, 14 sugatan sa banggaan ng 2 tren sa Germany
- Published on February 16, 2022
- by @peoplesbalita
PATAY ang isang katao at sugatan ang 14 na iba pa sa nangyaring banggaan ng dalawang pampasaherong tren sa Munich, Germany.
Naganap ang insidente sa S-Bahn urban rail station ng Ebenhausen-Schaeftlarn, southwest of Munich.
Base sa inisyal na imbestigasyon ay nadiskaril ang isang tren kaya ito bumangga sa kasalubong na pampasaherong tren.
Kaagad na dinala sa pagamutan ang mga nasugatang biktima.
Sinasabing mayroong sakay na 95 na pasahero ang dalawang tren.
Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.
-
PBBM, nakipagpulong sa ICT executives
NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng fiber broadband provider Converge ICT Solutions, Inc. at South Korea’s largest telecommunications firm, KT Corp., araw ng Biyernes sa Malakanyang. Ibinahagi ni Pangulong Marcos sa kanyang official Facebook page ang larawan ng nasabing pakikipagpulong kina Converge ICT chief executive officer Dennis Anthony Uy […]
-
Curry, nagbuhos ng 41-pts upang itumba ng Warriors ang Pelicans
Lumakas pa ang tiyansa ng Golden State Warriors na makahabol sa NBA playoffs matapos na itumba ang New Orleans Pelicans, 123-108. Sa ngayon nasa Western Conference play-in position ang Warriors sa labas ng top six na mga teams habang meron na lamang pitong games na nalalabi. Inaasahang dalawa pang games ay […]
-
YASMIEN, ipinakita sa vlog ang reunion nila ng dating ka-loveteam na si RAINIER
KINILIG ang maraming netizens sa naging reunion nila Yasmien Kurdi at Rainier Castillo. Sa YouTube vlog ni Yasmien, nagkita ulit ang dating loveteam sa isang rehearsal ng All Out Sundays. Pinagtambal sina Yasmien at Rainier pagkatapos ng first season ng StarStruck noong 2004 kunsaan sila ang tinanghal na First Prince and […]