• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, nakiramay sa pagpanaw ng beteranong broadcaster at dating press secretary na si Dong Puno

NAGPAABOT ng pakikidalamhati at pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya, kaibigan, at kasamahan sa trabaho ni dating Press Secretary Ricardo “Dong” Puno, Jr., na pumanaw, February 15, sa edad na 76.

 

 

“A lawyer by profession, Sec. Puno was a respected member of the media prior to and after serving under the administration of former President Joseph Estrada.,” ayon Kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

 

Kilala sa kanyang paging matalino, insightful interviews, kinilala si  Sec. Puno  sa kanyang napakaraming katangian  para sa kanyang trabaho  sa public affairs programs na nakatulong na makapagbigay sa publiko ng  “better understanding” sa mga tinatawag na “issues of the day.”

 

 

“Our thoughts are with the loved ones of Sec. Puno as we join them in praying for his eternal repose,” ani Nograles.

 

 

Sa ulat, kinumpirma ng dalawang anak ng beteranong broadcaster at dating press secretary na namayapa na ang kanilang ama.

 

 

Ayon sa kanyang dalawang anak na sina Ricky at Donnie, 12:15pm ngayong araw nang pumanaw ang kanilang ama dahil sa iniindang karamdaman.

 

 

Kilala si Dong Puno bilang dating public affairs host, media executive, newspaper columnist, at isang abogado.

 

 

Ilan sa kanyang nga naging ABS-CBN shows ay ang “Dong Puno Live”, “Viewpoints”, at “Insider”.

 

 

Taong 2000 nang i-appoint siya ng dating presidente Joseph “Erap” Estrada bilang press secretary bago ito tumakbo sa pagkasenador noong sumunod na taon ngunit sa kasamaang palad ay natalo ito at nagbalik na lamang sa Kapamilya network. (Daris Jose)

Other News
  • Janine, ka-level na ni Nora sa pagiging best actress sa Gawad Urian

    GABI ng mga baguhan ang 43rd Gawad Urian na ginanap noong Tuesday night.   First time winners sina Janine Gutierrez, nahirang na Best Actress para sa Babae at Baril which took the lion’s share of the awards, at si Elijah Canlas who was named Best Actor for Kalel, 15.   Unang nominasyon nina Janine at […]

  • PDu30, patuloy ang ginagawang paglilinis sa pamahalaan

    PATULOY ang ginagawang paglilinis ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pamahalaan.   Sa katunayan, binasa at inisa-isa ni Pangulong Duterte ang mga pangalan ng mga sinibak sa tungkulin dahil sa iba’t ibang reklamo.   “Well, just to show that we are in the process of still cleansing government, ang na-dismiss sa service, si Rodrigo — […]

  • Warriors star Stephen Curry at asawa muling ikinasal

    Muling ikinasal si Golden State Warriors star Stephen Curry at asawa nitong si Ayesha.     Isinagawa ang renewal of vows bilang bahagi ng kanilang 10th wedding aniversary.     Sa social media account ni Ayesha ay nagpost ito ng mga larawan.     Isa umanong surpresang renewal of vow ang ginawa ng NBA star. […]