PAGBEBENTA NG GAMOT SA SAR-SARI STORE IPAGBAWAL
- Published on February 17, 2022
- by @peoplesbalita
HIHILINGIN ng Food and Drug Administration (FDA) sa pamahalaang lokal na gumawa ng ordinansa sa pagbabawal ng pagbebenta ng gamot sa mga sari-sari store.
Ayon sa FDA, ito ay upang maiwasan ang pagbebenta ng mga pekeng gamot na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga konsyumer.
Sinabi ang panukalang ito ni FDA Deputy General Oscar Gutierrez, kay President Rodrigo Duterte sa “Talk to the People” briefing na inere nitong Lunes..
Punto ni Gutierrez, ang lokal na pamahalaan ang nag-iisyu ng license to operate sa mga sari-sari stores.
“FDA thinks that these sari-sari stores are also victims,”
“So actually, the sari-sari stores have a license to operate from the local government. So we would like, if possible, to work with the LGUs so they can pass an ordinance that prevents the sari-sari stores from buying or carrying medicines,” pahayag pa ni Gutierrez. .
Hinalimbawa naman ng opisyal ang Davao City na mayroon nang ganitong ordinansa.
Hinikayat din nito ang mga Filipino na bumili lamang ng gamot sa mga FDA-licensed drug stores — kung saan mayroong 45,000 nationwide.
Iniulat din ng FDA na may 185 sari-sari stores na iniimbestigahan ng FDA , 78 rito ay natuklasang lumabag sa Pharmacy Act.
Sa 78, siyam ang napag-alamang nagbebenta ng pekeng gamot
Kabuuang 13 pekeng gamot din ang natuklasang karamihan ay COVID-related .
Nakipag-ugnayan din ang FDA sa mga online shopping sites tulad ng Lazada at Shopee upang matukoy ang mga paglabag sa pagbebenta ng mga pekeng gamot gamit ang mga platform, sabi ni Gutierrez.
Sa kanyang panig, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Ano na maglalabas siya ng memorandum circular “upang ang kampanya laban sa pagbebenta ng mga pekeng gamot ay [itigil] hanggang sa antas ng sari-sari stores.”
“They are dangerous to the health of our constituents,” dagdag nito . GENE ADSUARA
-
MAMBA DINIS-KUWALIPIKA BILANG GOVERNADOR NG CAGAYAN
DINISKUWALIPIKA ng Commission on Elections (Comelec) second division si Manuel Mamba sa pagkapanalo nito sa pagkagobernador noong 2022 sa Cagayan province dahil sa paglabag sa election election spending ban. Ang resolusyon na nilagdaan ni Presiding Commissioner Marlon Casquejo , Commissioner Rey Bulay at Nelson Celis ay inihayag noong December 14,2022. Ang […]
-
PBBM, personal na iniabot ang mahigit sa P30-M financial aid sa mga magsasaka
NAMAHAGI si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng P30 million na financial assistance sa libo-libong pamilya ng mga magsasaka at mangingisda na labis na naapektuhan ng El Niño phenomenon sa mga lalawigan ng Davao de Oro, Davao del Norte at Davao Oriental. Sa katunayan, personal na iniabot ni Pangulong Marcos ang P10 million, […]
-
Ads June 20, 2024
adsjune_202024