Gilas todo kayod na sa ensayo
- Published on February 21, 2022
- by @peoplesbalita
PUKPUKAN na sa ensayo ang Gilas Pilipinas para paghandaan ang first window ng FIBA World Cup Qualifiers na papalo sa Pebrero 24 hanggang 28 sa Smart Araneta Coliseum.
Kasama na ng Gilas Pilipinas pool ang mga players ng Talk ’N Text Tropang Giga matapos ang mga laro nito sa PBA Season 46 Govenors’ Cup.
Pinag-aaralan na ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes kung sinu-sino ang ipapasok nito sa Final 12. Sa ngayon, wala pa itong napipisil para sa final roster.
Inaasahang ihahayag ito ng veteran mentor ilang araw bago magsimula ang qualifiers.
“We still haven’t made up our mind who’s going to make any kind of final roster. So now, we can put in our effort and my 100% focus on figuring out. We may just want to put in some fundamentals for the team, make sure we would be able to put in a competitive team for the window,” ani Reyes.
Sa kasalukuyan, may 22 players ang nasa pool ng Gilas Pilipinas.
Pasok sa pool sina Tropang Giga players Jayson Castro, Poy Erram, Kelly Wiilliams, Troy Rosario, Ryan Reyes at Kib Montalbo kasama sina Gilas cadets Lebron Lopez, Dwight Ramos, Thirdy Ravena, Juan Gomez de Liaño, Will Navarro at naturalized player Angelo Kouame.
Ayon kay Reyes, pagbabasehan nito ang huling limang araw ng training ng Gilas Pilipinas para madetermina ang final roster para sa qualifiers.
Makakaharap ng Gilas sa naturang torneo ang South Korea sa Pebrero 24 at Pebrero 28 gayundin ang India (Pebrero 25) at New Zealand (Pebrero 27).
“We’re going to look at the last five days of practice as our final preparation for the task at hand,” ani Reyes.
-
Palaban sa ‘Miss Universe 2024’ sa Mexico City: CHELSEA, nakahanap ng ‘big sister’ kay Miss U Peru TATI
NAKAHANAP ng matatawag na “Ate” niya si Miss Universe Philippines Chelsea Manalo sa mga kandidata ng Miss Universe 2024 sa Mexico City. Ang roommate ni Chelsea na si Miss Universe Peru Tati Calmell ang naging big sister niya habang uma-attend sila sa ilang activities ng pageant. “#PERUPPINES in the house. My lovely sister […]
-
DOTR, papayagan na ang pagbabalik ng provinCial buses sa EDSA – MMDA
AGSASAGAWA raw ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng dalawang linggong dry run para sa pagbabalik sa provincial vuses sa EDSA simula sa kagabi. Kasunod na rin ito ng pagbibigay ng green light mula ng Department of Transportation (DoTr). Sa isang statement, sinabi ni MMDA chairperson Romando Artes na base raw […]
-
Sinopharm booster, walang side effects kay PDu30- Nograles
HINDI nakaranas ng kahit na anumang masamang epekto si Pagngulong Rodrigo Roa Duterte matapos na makatanggap ng kanyang Sinopharm booster shot laban sa COVID-19. Ito’y sa kabila ng wala pang data ang makapagpapakita na ang Sinopharm ay “appropriate booster.” “Wala naman pong masamang epekto kay President Duterte [ang Sinopharm] sa pagkakaalam […]