• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hotshots tinuhog ang quarterfinals

KUMAWALA ang Magnolia sa third period patungo sa 103-83 pagpapalubog sa Phoenix para angkinin ang unang quarterfinals berth sa PBA Governors’ Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

Nagsumite si import Mike Harris ng 20 points, 13 rebounds, 2 assists at 2 steals para sa 6-0 record ng Hotshots habang may 18 markers si Adrian Wong tampok ang anim na three-point shots.

 

 

“We are a defensive team. We want to play defense and that’s the challenge to our players,” wika ni head coach Chito Victolero na pinuri rin si Wong. “Iyong bata naman talaga mayroon iyan eh. Talagang nag-e-extra work siya.”

 

 

Nag-ambag si Paul Lee ng 14 points kasunod ang 13 markers ni Mark Barroca.

 

 

Nagtapos naman ang two-game winning run ng Fuel Masters (4-3) na nakahugot kay Matthew Wright ng 18 points, 6 assists at 5 boards.

 

 

Nakadikit ang Phoenix sa 36-39 sa pagbubukas ng third period hanggang maghulog ang Magnolia ng 21-2 bomba kasama ang tatlong sunod na triples ni Wong para kunin ang 57-41 abante sa 7:01 minuto nito.

 

 

Ipinoste ng Hotshots ang 24-point lead, 69-45, mula sa layup ni Jackson Corpuz sa huling 4:18 minuto ng nasabing yugto patungo sa 98-75 bentahe sa Fuel Masters sa huling 2:37 minuto ng final canto.

 

 

Sa unang laro, bumalikwas ang Alaska (5-2) mula sa 20-point deficit sa third quarter para agawin ang 102-97 panalo sa Terrafirma (2-5) at patibayin ang kanilang pag-asa sa quarterfinals.

 

 

Humataw si Jeron Teng ng career-high 30 points para sa ikatlong dikit na ratsada ng Aces na nakahugot kina Abu Tratter, import Olu Ashaolu at rookie Allyn Bulanadi ng 21, 11 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod.

Other News
  • ‘Thor: Love and Thunder’ New Trailer Previews the Epic Battle Between Thor and Gorr

    A brand new Thor: Love and Thunder trailer previews the God of Thunder and Gorr the God Butcher’s intense fight.     Taika Waititi and Chris Hemsworth’s latest Marvel Studios project will be showing starting tomorrow, July 6 in Philippine cinemas nationwide. The two previously collaborated on 2017’s hit Thor: Ragnarok, a colorful film that […]

  • Malakanyang, inanunsyo ang mga bagong appointees, promosyon sa ilalim ng administrasyong Marcos

    PATULOY na pinupunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga bakanteng posisyon sa gobyerno.     Sa katunayan, inanunsyo ng Malakanyang ang bagong appointees sa pamahalaan at promosyon sa military.     Sa Facebook post ng Presidential Communications Office (PCO), inanunsyo nito ang sumusunod na appointees at promosyon sa Department of Agriculture (DA) at Department […]

  • Sikat na Fil-Am Drag Queen na si MANILA LUZON, dumating na sa bansa para sa ‘Drag Den Philippines’

    DUMATING sa bansa ang sikat na Filipino-American drag queen na si Manila Luzon.     Nandito si Manila Luzon para sa gagawin niyang Filipino drag race contest na Drag Den Philippines.     Pinost niya via Instagram on Sunday na naka-red outfit siya habang naka-pose sa balcony ng kanyang hotel room.     Sa Twitter […]