• May 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga negosyante sa Baguio nag-‘yes’ sa Lacson-Sotto platform

UMANI ng papuri sina Partido Reporma presidential candidate Panfilo ‘Ping’ Lacson at running mate na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III mula sa mga negos­yante at miyembro ng Rotary Club International District 3790 Cluster 1C dahil sa mga iprinisinta nilang mga plano at programa sa kanilang pagbisita rito.

 

 

Malaki ang pag-asa ng mga grupo na nasa sektor ng negosyo na makakaya ng Lacson-Sotto tandem na maihatid ang pagbabago na kailangan ng bansa, kung silang dalawa ang magiging mga pinuno sa susunod na anim na taon.

 

 

Mismong si Baguio City Mayor Benjamin Ma­galong ang nagpakilala kina Lacson at Sotto sa ginanap na dayalogo kasama ng mga Rotarian at mga mamamahayag. Kasunod ito ng pag-endorso ng alkalde sa tambalan ng dalawang batikang public servant bilang mga susunod na presidente at bise presidente.

 

 

Sa ginanap na forum sa Newtown Plaza Hotel nitong Biyernes, ipinaliwanag ni Lacson kung paano nila isasagawa ang kanilang mga plano na ‘Aayusin ang Gobyerno at Uubusin ang Magnanakaw’ upang magkaroon ng pangmatagalang kaunlaran hanggang sa mga susunod na henerasyon ng Pilipino.

 

 

Para mahimok ang mga botanteng Pilipino na pumili ng tamang kandidato, ibinigay na halimbawa ni Lacson ang isang 35-anyos na ama at kanyang pamil­ya na posibleng umahon sa buhay o mas masadlak sa kahirapan pagsapit ng 2028 o pagtapos ng anim na taong termino ng susunod na admi­nistrasyon.

 

 

Kabilang sa mga natalakay sa forum ang tungkol sa pagpapaunlad ng mga lugar na malayo sa Kamaynilaan sa pamamagitan ng Budget Reform Advocacy for Village Empowerment program ng Lacson-Sotto tandem. Gayundin ang tungkol sa mining industry, isyu sa mga political appointee at modernisasyon sa paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan.

 

 

Sinabi ni Magalong na ang progreso ng Summer Capital of the Philippines sa nakalipas na tatlong taon ng kanyang panunungkulan ay mararanasan din sa buong bansa kung bibigyang pagkakataon sina Lacson at Sotto na mamuno sa mga Pilipino.

Other News
  • 13 babae patay matapos mahulog balon sa India

    PATAY ang 13 babae matapos aksidenteng mahulog sa isang balon sa pagdiriwang ng kasal sa Northern India.     Nakaupo ang mga biktima sa isang bakal na nakatakip sa balon nang bumigay ito.     Sinabi ng Mahistrado ng Distrito na si S. Rajalingam na luma na ang balon at hindi nakaya ang bigat ng […]

  • Morale ng PNP, mataas pa rin kahit may isyu kay Nuezca

    PLANO ng Philippine National Police (PNP) na palagiang magsagawa ng neuro examination sa kanilang hanay. Sa Laging Handa public press briefing ay sinabi ni PNP Spox PGen Ildebrandi Usana na posible na nila itong isagawa ngayon kada anim na buwan o kada isang taon. Aniya, layon nito na masuring mabuti ang behaviour ng isang pulis. […]

  • DepEd, tiniyak na mas maraming pondo para sa limited in-person classes preps

    TINIYAK ng Department of Education (DepEd) sa mga eskuwelahan na mayroong karagdagang pondo para sa paghahanda ng progresibong pagpapalawak ng limited in-person classes.     Binatikos kasi ng Teachers Dignity Coalition (TDC), sa isang Facebook Livestream, ang gobyerno para sa di umano’y “taking advantage” o pagsasamantala sa kabutihang-loob o pagiging mapagbigay ng mga guro kasunod […]