‘Vaccine hesitancy’ ng mga Pinoy, 10% na lang
- Published on February 22, 2022
- by @peoplesbalita
BUMABA na sa 10% ang ‘vaccine hesitancy’ o ang kawalang-tiwala sa COVID-19 vaccines ng mga Pilipino sa kabila na bigo ang Department of Health (DOH) na maabot ang target na bilang sa katatapos na ikatlong bugso ng ‘national vaccination drive.’
“At the start talaga, since last year, meron talagang hesitancy ‘yan na mga 30%, although bumaba na ngayon, nasa 10% na lang,” ayon kay Health Undersecretary at treatment czar Dr. Leopoldo Vega.
Nitong Sabado, una nang kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na bigo ang pamahalaan na maabot ang limang milyong vaccination target sa ikatlong bugso ng “Bayanihan, Bakunahan” program na idinaos mula Pebrero 10 hanggang 18.
Ngunit sapat na rin umano ang naabot na 3.5 milyong indibidwal na kanilang nabakunahan sa walong araw na bakunahan.
Ikinatwiran ni Vega na isa pa sa mga dahilan kung bakit hindi naabot ng pamahalaan ang target ay dahil mabagal pa rin ang pagbabakuna sa ilang lugar sa Mindanao na naapektuhan ng bagyong Odette.
Pangunahing target ngayon ay mabakunahan ang mga senior citizen na 65% pa lamang nila ang nababakunahan.
Target ng gobyerno na umabot sa 90 milyong Pilipino ang mabakunahan bago bumaba si Pangulong Rodrigo Duterte sa kapangyarihan sa Hunyo.
-
Sim cards, obligado nang iparehistro
GANAP nang batas ang pagpaparehistro ng sim card, matapos itong lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ngayong umaga sa Malacanang. Sa kanyang mensahe, sinabi ng pangulo na matagal na dapat itong naisabatas. Isa aniya itong epektibong paraan ng pag-regulate ng mga sim card na karaniwang ginagamit sa mga panloloko o spam […]
-
Mayor Along naghain na ng COC
NAGHAIN na ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si incumbent Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan para sa muli niyang pagtakbo sa halalan bilang alkalde ng Lungsod ng Caloocan na ginanap sa SM Grand Central. Kasama ni Mayor Along ang kanyang asawang si Aubrey, ang kanyang pamilya sa pangunguna ng kanyang ama na si […]
-
PCO Sec. Chavez, inatasan ni ES Bersamin na maghanap na ng iuupong bagong PTFOMS
SINABI ni Presidential Communications Office Secretary Cesar Chavez na inatasan na siya ni Executive Secretary Lucas Bersamin na maghanap ng magiging kapalit ni dating presidential task force on media security o PTFOMS executive director Paul Gutierrez sa lalong madaling panahon. Sa isang ambush interview sa Malakanyang, sinabi ni Chavez, kung siya ang tatanungin, gusto […]