• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kai, 36ers rumesbak sa Taipans

MATIKAS  ang pagresbak ng Adelaide 36ers nang pataubin nito ang Cairns Taipans sa bendisyon ng 82-71 demolisyon kahapon sa 2021-2022 Australia National Basketball League sa Adelaide Entertainment Center sa Australia.

 

 

May 12 minuto na nakapaglaro si 7-foot-3 Pinoy cager Kai Sotto kung saan nakapag-ambag ito ng limang puntos, limang rebounds at tatlong blocks.

 

 

Bumandera para sa 36ers si Daniel Johnson na may naitalang 18 puntos, siyam na rebounds, tatlong assists at dalawang blocks para sa Adelaide.

 

 

Nagdagdag pa si Mitch Mccarron ng 14 puntos, anim na boards, limang steals at apat na assists samantalang naglista si Sunday Dech ng 13 points, limang assists at tatlong rebounds.

 

 

Umangat ang 36ers sa 5-7 rekord para okupahan ang ikapitong puwesto.

 

 

Hindi maganda ang simula ng 36ers na nakabaon sa 8-23 iskor sa unang kanto.

 

 

Subalit matinding puwersa ang inilatag ng Adelaide sa mga sumunod na sandali kabilang ang 24-7 atake para maagaw ang kalamangan sa 32-30.

 

 

Mula noon, ay hindi na lumingon pa ang 36ers para makuha ang panalo.

Other News
  • Pdu30, magso-SONA sa Batasang Pambansa

    PISIKAL na ide-deliver ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang ika- 5 na State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa sa Hulyo 27. Nauna na itong inanunsyo ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III noong nakaraang linggo. “I can confirm for the first time that the President will be physically present in Batasan […]

  • Sa October na ang kasal nila ni Timmy: MAXINE, hands-on sa preparations para sa church and beach wedding

    ILANG buwan na lang at ikakasal na si Maxine Medina sa kanyang fiance na si Timmy Llana.       Hands-on ang former Miss Universe-Philippines 2016 sa wedding preparations kaya minsan daw ay overwhelmed siya. Pero ginagawa na lang daw niyang masayang activity ang pag-asikaso ng kanyang nalalapit na kasal.       “As the […]

  • Ads October 21, 2021