Reklamo vs Sen. Pimentel dahil sa paglabag sa quarantine protocols, submitted for reso na – DoJ
- Published on September 28, 2020
- by @peoplesbalita
INATASAN ngayon ng deputy state prosecutor ng Department of Justice (DoJ) na humahawak sa reklamo laban kay Sen. Koko Pimentel dahil umano sa paglabag nito sa quarantine protocols ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na bilisan ang paglalabas ng resolusyon sa reklamo.
Kasunod na rin ito nang pagkumirma ni DoJ Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon na submitted for resolution na ang reklamo.
Ang reklamo ay inihain sa DoJ ng dating Makati School of Law Dean Rico Quicho matapos itong pumasok sa Makati Medical Center para samahan ang kanyang asawa kahit nakakaranas ito ng mga sintomas ng covid at kinalaunan ay nagpositibo sa naturang sakit.
Nitong Setyembre nang buksan muli ang preliminary investigation sa reklamo matapos matanggap ng DoJ ang resulta ng isinagawang imbestigasyon ni National Bureau of Investiga- tion (NBI) at makapagbigay ng karagdagang mga dokumento sa nasabing kontrobersiya.
Abil 5, 2020 nang nagsampa ng reklamo sa DoJ si Quicho dahil umano sa paglabag ni Pimentel sa RA11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act at iba pang patakaran ng Department of Health (DoH).
-
30,400 vaccination sites sa buong bansa, gusto pang madagdagan ng DOH
HANGAD ng Department of Health (DoH) na dagdagan pa ang inoculation sites sa buong bansa. Sa kasalukuyan kasi ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) Health Usec. Myrna Cabotaje, ay may 30,400 lamang ang operational na mga vaccination site sa buong bansa. Ani Cabotaje sa kanilang nakikita na maaaring maging additional […]
-
Ads August 24, 2022
-
Maligayang ika-49th Founding Anniversary sa ALPHA KAPPA RHO International Humanitarian Service Fraternity and Sorority
Pagbati na din sa Kappa Rho Community Chapter ng Valenzuela Skeptron Council na magdiriwang ng ika-9th Chapter Anniversary sa August 13, 2022, lalo kay Chairman Edmar Jimenez, Founder/Organizer Roi Alabastro at Grand Skeptron Carl Dacasin. (CARDS)