Mga dawit sa multi-bilyong pisong iregularidad sa ahensiya, nailagay na sa pangalan ng iba -Sec. Roque
- Published on September 28, 2020
- by @peoplesbalita
KUMBINSIDO si Presidential spokesperson Harry Roque na nailagay na sa ibang pangalan ang mga ari-arian ng ilang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth ) na sangkot sa anomalya sa ahensiya.
Ito ang isiniwalat ni Presiden- tial spokesperson Harry Roque batay na rin aniya sa naikasa na nilang lifestyle check bago pa lumabas ang tindig ng Ombudsman na itigil na ang lifestyle checks sa mga public officials.
Aniya, dahil sa may alam sa batas ang una nang mga siniyasat na opisyal ng PHILHEALTH ay nakagawa na aniya ang mga ito ng kaukulang hakbang upang mailagay sa pangalan ng iba ang kanilang ari- arian.
Ilan lang sa mga nabanggit ni Roque na asset na wala na sa pangalan ng ilang PHILHEALTH officials na idinadawit sa iregularidad ay ang umano’y bahay ng mga ito sa Baguio.
“At sa totoo lang sa panahon ngayon, unless ikaw talaga’y garapal, ang mga kurakot naman ay magaling nang magtago. Diyan po sa PhilHealth tatapatin ko kayo, nagkaroon kami ng lifestyle check. Eh siyempre dahil marunong sa batas iyong mga nila-lifestyle check, nailagay na sa pangalan ng iba ‘no. Pero kumpirmado na umuuwi sa bahay sa Baguio, ganyan ganyan… na napakalaki pero hindi sa kaniya nakapangalan ‘no,” lahad nito.
Ganunpaman aniya ay hindi na tinukoy pa ni Sec. Roque kung sinu- sino ang mga naturang opisyales ng ahensiya na ani Roque ay may alam sa usapin sa batas.
Ang mas importante aniya ngayon ay ang pagpapatupad ng Anti-Money Laundering Council (AMLC)dahil ang AMLC aniya ay may paper trail kapag may pumasok na pera. (Daris Jose)
-
2 tulak arestado sa P204K shabu sa Malabon
KULONG ang dalawang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Ross Deguia, 23 ng Celia I St., Brgy. Bayan-Bayanan at […]
-
200 SENIORS NABAKUNAHAN NA SA NAVOTAS
Nagsimula na ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pagbabakuna sa kanilang mga senior constituents na nagparehistro sa COVID-19 vaccination program. Nasa 200 Navoteño senior citizens ang nakatanggap ng kanilang unang dose ng AstraZeneca vaccine, nitong Lunes. Ang pinakamatandang miyembro ng pamayanan ay binigyan ng prayoridad alinsunod sa mga alituntunin sa pagbabakuna […]
-
‘Epektibo agad’: DepEd inaprubahan boluntaryong face masks sa loob ng school
MAAARI nang hindi magsuot ng face masks ang mga estudyante sa loob ng kani-kanilang mga silid-aralan laban sa COVID-19, ito kasunod ng ipinatupad ng Executive Order 7 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ito ang kinumpirma ni Department of Education spokesperson Michael Poe, Martes, matapos tanungin ng media. “We will follow [Executive […]