• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

17 drug suspects timbog sa buy bust sa Caloocan, Malabon, Valenzuela

MAHIGIT sa P.7 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa 17 hinihinalang drug personalities, kabilang ang 15-anyos na dalagita na na-rescue sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan, Malabon at Valenzuela Cities.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ala-1:50 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU ng buy bust operation sa Kaagapay Road, Brgy., 188, Tala na nagresulta sa pagkakaaresto kay Tricia Janina Bala, 23.

 

 

Nakuha kay Bala ang tinatayang nasa 30 grams ng hinihinalang shabu na nasa P204, 000 ang halaga, buy bust money na isang tunay na P500 genuine bill at 8 pirasong P1,000 boodle money, at gray sling bag.

 

 

Alas-5:10 ng madaling araw nang madakma din sa buy bust operation sa Florencia St. Brgy. 71, sina Elian Argote, 32 at Maciste Dulap, 34. Narekober sa kanila ang nasa 15 grmas ng hinihinalang shabu na nasa P102,000 ang halaga, buy bust money na isang tunay na P1,000 bill at 7 pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Sa Malabon, natimbog naman ng mga operatiba ng Malabon Police SDEU sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Albert Barot sa buy bust operation sa 4th St., Brgy. Tañong alas-4:20 ng madaling araw sina Elena Gososo, 60, Babyvie Feliciano, 30, Mary Grace Francisco, 41, Andie Lacson, 41 at Charles O’neal, 26.

 

 

Nakumpiska sa kanila ang nasa 14 grams ng hinihinalang shabu na nasa P95,200.00 ang halaga at P500 marked money.

 

 

Kalaboso rin sina Jeson Torres, alyas “Bato”, 37, Mark Albert Laurenciano, alyas “Tattoo” 32, at Gilberto Condeno, 37 matapos makuhanan ng nasa 9.1 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P61,880.00 at P500 marked money sa buy bust operation sa Atis Road, Brgy. Potrero alas-9:30 ng gabi.

 

 

Bandang alas-2 ng madaling araw nang madamba din sa buy bust operation sa Hasa-Hasa St. Brgy, Longos si Robert Travello, 30, Irene Manangan, 43 at Wilfredo Abayan. Nakuha sa kanila ang nasa 11.7 grams ng hinihinalang shabu na nasa P79,560.00 ang halaga at P500 marked money.

 

 

Sa Valenzuela, nasakote din ng Valenzuela Police SDEU team sa pangunaguna ni PLT Doddie Aguirre sa buy bust operation sa Sitio Kabatuhan St., Compound 1, Brgy., Gen. T De Leon dakong alas-4:30 ng madaling araw si John Jefferson Berza alyas “Noy”, 22, miyembro ng “Rodriguez Drug Group” at kasabwat nitong 15-anyos na dalagita.

 

 

Ani PCpl Pamela Joy Catalla, nakuha sa kanila ang nasa 15 grams ng hinihinalang shabu na na nasa P102,000.00 ang halaga, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 17 pirasong P500 boodle money, P350 cash, cellphone at coin purse.

 

 

Habang nasamsam naman ng kabilang teamng SDEU sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo kay Jayson Gonzaga, 22, ang nasa 10 grams ng hinihinalang shabu na nasa P68,000 ang halaga, P500 marked money, P300 cash at cellphone matapos matiklo sa buy bust operation sa A Bernardino Ext., Brgy., Ugong dakong alas-6 ng umaga. (Richard Mesa)

Other News
  • Panukalang daylight saving time sa NCR, pag-aaralan pa – MMDA

    PINAG-AARALAN  ng pamahalaan ang pagpapatupad ng daylight saving time sa gitna ng naobserbahang mabigat na daloy ng trapiko sa National Capital Region sa ilalim ng Alert level 1.     Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, inirekomenda na maaaring gawin mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon ang pasok sa gobyerno maging ang mga […]

  • Nagpasayaw, nagpaiyak at nagpabirit sa successful concert… ICE, walang humpay ang pasasalamat kay LIZA at mabuti na nakinig siya

    ISANG araw pagkatapos ng very successful “Becoming Ice: The 35th Anniversary Concert ng OPM icon na si Ice Seguerra, nag-post siya sa Facebook at Instagram ng kanyang walang humpay na pasasalamat sa asawa na si Liza Diño-Seguerra.     Hindi nga siguro magiging matagumpay ang first major concert in ten years ni Ice na ginanap […]

  • Pinas, Italy inaasahang pag-uusapan na pagbutihin pa ang military cooperation – envoy

    INAASAHAN na pag-uusapan ng Pilipinas at Italy ang pagpapalakas sa ugnayan sa pagtatanggol.     Ito ang sinabi ni  Italian Ambassador to the Philippines Marco Clemente kasunod ng pagdating ng Italian navy ship Francesco Morosini sa Maynila para sa isang “goodwill visit.”     Sinabi ni Clemente, kapwa  ginagawa ng dalawang panig ang makakaya nito […]