• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga senior citizens, pinayuhan na mag-doble ingat

PINAYUHAN at pinaalalahanan ng Malakanyang ang mga senior citizen na dagdagan pa ang ginagawang pag-iingat kasunod ng nakitang datos ng DOH sa hanay ng mga nasa critical cases.

 

Batay kasi sa pinakahuling numerong inilabas ng DOH, tumaas kasi ang porsiyento ng mga pasyenteng nakahanay sa critical status.

 

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, nasa 3 percent na ngayon ang porsiyento ng mga pasyenteng nasa kategoryang kritikal.

 

Kaya paalala ng Malakanyang lalo na sa mga senior citizens na manatiling nasa bahay lang lalo’t sila aniya ang madaling kapitan ng virus at malalang tamaan nito.

 

Bukod sa mga nasa 60 taong gulang pataas, dapat din ayon kay Sec. Roque na huwag lumabas ng tahanan ang mga kabataan, mga mayroong sakit at buntis.

 

Sa kabuuang bilang ng COVID 19, 9.2 percent ay asymptomatic, ang mild ay nasa 86.5%… 1.3 percent ay severe habang ang kritikal ay nasa 3%.

 

“Mayroon po tayo ngayong 58,127 aktibong kaso ng COVID- 19, at sa numerong ito ay 9.2 po ay asymptomatic, ang mild po ay 86.5%, ang severe ay 1.3%, ang kritikal ay 3% — medyo tumataas po ang kritikal. Iyong mga seniors, iyong mga kabataan, iyong mga mayroon pong mga may sakit, buntis, kinakailangan po ay manatili po tayo sa ating mga tahanan,” ayon kay Sec. Roque.

 

“At lalung-lalo na po ang mga seniors, talagang seniors po ang tinatamaan ng COVID-19 at sila po ang lumulubha,” dagdag na pahayag nito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • NavoConnect

    MULING inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco, Vice Mayor Tito Sanchez at mga konsehal ng lungsod ang kanilang libreng serbisyo ng Wi-Fi na NavoConnect upang higit na bigyang-diin ang kahalagahan ng connectivity. (Richard Mesa)

  • PBBM VOWS TO ESTABLISH MORE KADIWA CENTERS IN THE COUNTRY

    PRESIDENT Ferdinand R. Marcos Jr. has vowed to establish more ‘Kadiwa ng Pangulo’ centers in the country to help local producers earn a higher income by eliminating intermediaries and, at the same time, allow consumers to buy agricultural products and other goods at a lower price. The President made this remark in an interview with […]

  • Awiting Pamasko ni MADAM INUTZ, tagos sa puso ang napapanahong mensahe; pangakong house and lot, tinupad ni WILBERT

    TULOY-TULOY ang pag-ariba ng showbiz career ni Daisy Lopez a.k.a. Madam Inutz, ang Mama-bentang live seller ng Cavite.     Dahil todo talaga ang pag-aalaga ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino, na former Mr. Gay World titlist, sikat na businessman, social media influencer, at philanthropist.     Bago pumasok si Madam Inutz sa Pinoy […]