South Korea dedesisyunan ng FIBA
- Published on February 28, 2022
- by @peoplesbalita
DEDESISYUNAN ng International Basketball Federation (FIBA) ang ipapataw nito sa South Korea matapos itong mag-withdraw sa 2023 FIBA World Cup Qualifiers.
Pormal nang natanggap ng FIBA ang sulat ng Korea Basketball Association (KBA) bilang paliwanag sa biglaan nitong pag-withdraw sa qualifiers na ginaganap sa Smart Araneta Coliseum.
“FIBA was informed by Korea Basketball Association (KBA) of its decision not to travel to the Philippines to participate in the second window of the FIBA Basketball World Cup 2023 Asian Qualifiers,” ayon sa statement ng FIBA.
Matatandaang nagpasya ang KBA na lumiban sa qualifiers matapos magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang isa sa miyembro ng 12-man lineup nito.
Nakatakda sanang makaharap ng South Korea ang Gilas Pilipinas ng dalawang beses habang makakalaban din sana nito ang India at New Zealand.
Inaasahang maglalabas ng desisyon ang FIBA sa mga susunod na araw matapos ang deliberasyon nito.
Dalawa ang posibleng maging kahinatnan ng desisyon ng FIBA — ang ma-forfeit ang apat na laro ng South Korea o ire-schedule na lamang ito sa third window ng qualifiers sa Hunyo.
-
P50K multa ni Chot!
May katapat na multa ang ginawang pagsugod at pagkompronta ni TNT Tropang Giga coach Chot Reyes sa technical committee at pagmumura matapos ang kanilang 92-94 kabiguan sa Magnolia sa 2022 PBA Commissioner’s Cup noong Miyerkules. Pinatawan si Reyes ng PBA Commissioner’s Office ng multang P50,000 dahil sa kanyang naging reaksyon sa officiating. […]
-
Luke 1:27
The virgin’s name was Mary.
-
Travel ban sa 8 bansa, ikinasa na ng Pilipinas
PINAGBAWALAN na ng Pilipinas ang mga biyahero mula sa 8 territories sa layuning iiwas ang bansa sa matinding mutated Omicron COVID-19 variant. Epektibo Dec. 16 hanggang 31, ang mga biyahero mula sa mga sumusunod na “high-risk” areas na bahagi ng tinatawag na “Red List” ay pagbabawalan na makapasok ng Pilipinas. Ang mga bansang […]